Chapter 39

2.9K 87 4
                                    

Richard's POV

Habang nasa loob ng sasakyan ay nagkwentuhan muna kami ni Dawn para naman hindi masyadong boring ang atmosphere though hindi naman talaga magiging boring ang atmosphere kapag siya ang kasama dahil masyado siyang madaldal.

"Eh nung naglalaro kayo nung basketball tapos natamaan ako ng bola. Natatandaan mo yun?"

"Oo syempre naman. yung nasapak ko pa yung kalaban namin'g team dahil alam kong ginawa niya yun in purpose"

Naiinis kong sabi sakanya ng alalahanin ko ang mga sandaling yun.

"Hindi niya yun sinasadya ikaw lang naman talaga yung nag-iisip nun"

Natatawang sagot sakin ni Dawn.

"Tumatawa ka pa diyan. Eh totoo naman na type ka nun kaya nung nagpra-practice kami eh todo pasikat siya sayo. Tingin pa nga ng tingin sayo"

Nagmamaktol na sagot ko. Ngumiti lang naman siya ng malapad bago nagsalita.

"Talaga? Ganun na ba ko 'nun kaganda para tingnan-tingnan niya?"

"Oo naman. Kaya lang hindi mo napapansin kasi masyado kang naka-focus sa gwapo mong boyfriend"

Nakangisi kong sagot sakanya na tinawanan niya naman ng malakas.

"Sino ba yung boyfriend ko na yun? Hindi ko na ata maalala?"

Kunwari nag-iisip niyang sabi.

"Ano 'to? May short term memory lost ka din?"

"Oo eh"

Natatawa niyang sagot sakin hindi naman mawala sa labi ko ang malaking ngiti sa pang-aasar niya sakin.

"Ah gusto mo ipaalala ko sayo?"

Tinaasan niya naman ako ng kilay habang nakangiti. Saktong nag-red light kaya itinigil ko ang kotse at humarap ulit sakanya. Kinorner ko siya at dahan-dahan kong nilapit ang aking mukha.

"Gusto mo talagang maalala?"

Malambing ko ulit na tanong sakanya. Nakangiti lang naman siya.

"Oo. Sino ba yun?

Sagot niya. Bigla ko naman siyang ninakawan ng halik sa labi na nagpatawa sakanya.

"Stole kisser din ba siya?"

Tinanguan ko lang siya at muling hinalikan. This time ay sa leeg na. Kinagat-kagat ko ang leeg niya sa may gilid na nagbibigay kiliti sakanya.

"Bampira siya?"

Kunwari'y nagulat na tanong niya nung humarap ako sakanya.
Hahalikan ko sana ulit siya ng may malakas na bumusina sa likod ng kotse naman. Muntik ko ng makalimutan na nasa Highway nga pala kami at naghihintay ng Go signal.

Kaya agad akong humiwalay kay Dawn at pinaandar na ang kotse.
Tawa naman ng tawa si Dawn dahil alam niyang nagsisimula na kong pag-init kung wala lang umistorbo!
Nang tumigil siyang tumawa ay muli siyang nagsalita.

"Nakakatakot naman pala yung boyfriend ko na yun dati"

Napakunot ang noo ko at sumulyap sakanya na parang nagtatanong ang mukha.

"Bakit naman nakakatakot? Eh ang Gwapo-gwapo nun?"

"Eh kasi isipin mo naman. Magnanakaw siya tapos bampira pa"

Bigla naman akong natawa sa sinabi niya.

"Bakit ayaw mo nun bukod sa may matapang kang boyfriend immortal pa kayo, at kayo ang kauna-unahang magpapatunay na may Forever"

Taas babang kilay na sabi ko. Bigla naman siyang tumawa ng malakas at sinabihan akong

"Ang corny mo!"

Napangiti lang ako at sinabing

"Corny pero kinilig siya"

"Uy! Hindi ah. Talagang natawa lang ako sa kacornyhan mo"

Natatawa pa din niyang sabi na may paghampas pa sa braso ko.

"Grabe naman yun. Ipapaalala ko lang sayo na ang corny mong sinasabihan ay ang taong una mong minahal at unang nagparanas sayo kung gaano ka sayang magmahal. Kaya wag mo kong sinasabihan ng corny"

Kunwari nagtatampo kong sabi. Syempre alam ko namang lalambingin ako nito pag ganitong nagda-drama ako.

"Oo na Sige na. Ikaw na panalo alam ko naman yun eh binibiro lang kita"

Niyakap niya ang isang braso ko at hinalikan sa pisngi. Oh di ba sabi ko naman sainyo lalambingin ako nito.

Nang makaramdam ng konting antok si Dawn ay nagtanong na siya.

"Saan ba tayo pupunta? Malayo pa ba?"

"Wait and you'll see."

+++++++++++++++++++++++++++++++++

My Ex-Boyfriend Is My NEW BOSS (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon