Chapter 29

3K 80 6
                                    


 Richard's POV

Umuwi ako sa bahay na masama ang loob at isa lang ang gamot dito "ALAK" kaya dere-deretso ako sa mini bar ng penthouse at kumuha ng isang bote ng alak na matapang. Nasanay na kong binubuhos sa pag-iionom ang frustration ko para kahit papano mawala ito sa isip ko.
Hindi ko alam kung bakit nagpapaka-tanga ko kay Dawn samantalang ang dami-dami namang babae. Pero sa tuwing iisipin ko yun hindi ko maatim na makitang may kasama siyang iba. Shit na pag-ibig 'to eh kahit anong pilit ko wala talaga hindi ko kaya.

Napabuga na lang ako ng malalim sa aking isipin. Sana pag gising okay na ang lahat.

  KINABUKASAN

Tinanghali ako ng gising dahil sa pag-iinom ko kagabi sobrang sakit kasi ng puso ko este ng ulo ko pala kaya alas diyes na ako nagising.
Pagbangon ko ng kama ay gamot agad ang hinanap ko mukhang nasobrahan ako kagabi eh.

Lumipas ang ilang oras at naisipan ko na magpunta sa mall para ibili ng pagkain sina Dawn wala eh hindi ko din siya matiis nagpakawala na lang ako ng mabigat na hininga at pumasok na sa resto. Naghanap ako ng pwesto na pang-dalawahan lang agad naman may lumapit sa akin na waiter, mabilis ko din naman nakuha ang order ko at patayo na sana ako ng upuan ng may marinig akong pamilyar na mga boses. Agad akong na paupo at pinanood muna silang makapasok hinintay ko silang makaupo at pinanood sila ng ilang minuto, REALTALK! Ang sakit sa puso 💔 makitang yung taong mahal mo may kasamang iba lalo na kung karibal mo pa...

Mula sa malayo ay nakikita ko kung gaano sila kasweet sa isa't isa napapangiti na lang ako ng mapait habang pinapanood ko sila kasama ang Anak KO.

Hindi ko na matiis kaya tumayo na ako at lumapit sakanila dala ang pagkain na inorder ko kanina.

"Andito pala kayo"

Matabang na sabi ko sakanila. Agad namang bumaba si Gavin sa pagkaka-kandong kay Mike at mabilis na lumapit sakin para yumakap.

"Daddy!!!"

Agad ko siyang binuhat at hinalikan sa noo.

"Are you joining us?"

"Nope! Baka makaistorbo lang ako dito"

Tiningnan ko naman si Dawn at Mike na magkatabi.

"Pwede ko bang hiramin si Gavin para naman magkaroon kayo ng oras sa isa't isa"

"Richard-"

"No, Dawn ayos lang wag ka ng mahiya"

Sinamaan niya lang ako ng tingin na ginantihan ko naman ng mapang-asar na ngiti kahit deep inside ang sakit sakit na.

"Gavin magpaalam ka na muna sa Mommy mo. We'll roam around muna"

Hindi na siya bumaba at kumaway na lang kina Dawn. Umalis na kaagad kami sa harap nila Dawn dahil naaalibadbaran ako sa mukha ni Mike nakasalubong ko naman si Alice na gulat na gulat.

"Richard? Saan kayo pupunta?"

"Just roaming around with my son"

"Ahhh-"

Hindi pa natatapos ni Alice ang sasabihin niya ay sumabat na si Dawn.

"Richard saan mo dadalhin si Gavin?"

Hinarap ko naman siya ng may panunuya sa mukha.

"Bingi ka ba? Sinabi ko na kanina hindi ba?"

"Wag mo kong kausapin ng ganyan sa harap ng anak ko!"

Naiinis niyang sagot sakin.

"Anak NATIN Dawn hindi mo lang siya anak, anak ko din siya"

"Kausapin mo nga ko ng maayos! Ano bang problema mo?"

Tinawanan ko muna siya bago sinagot.

"Anong problema ko? Seriously Dawn hindi mo alam? Unang una yung nakita ko kayo ni Mike na palabas ng kwarto na sweet na sweet na akala mo kakatapos lang niyong magsiping pagkatapos paaalisin mo ko sa bahay niyo na parang ako pa yung may kasalanan na nakita ko kayo, na sinapak ko yung gagong yun dahil sa lumalabas sa bunganga niya. Palibhasa kasi yung mga nakita mo lang yung pinagbasehan mo at Hindi mo alam kung gaano ko nasasaktan kasi hindi mo nararamdaman yung nararamdaman ko"

"Excuse po Ma'am and Sir?"

Pag-awat samin nung isa sa mga waiter. Tumalikod na ako kay Dawn na karga pa din si Gavin na may pagtataka sa itsura.

"Richard sandali"

"Bakit sasama ka?"

Umaasa pa rin ako na kahit papano ay samin pa din siya sasama pero bigo ako dahil iling ang isinagot niya. Nagpakawala na lang ako ng mabigat na hininga.

"Bakit nga ba aasa pa ko na sasama ka sakin kung nandiyan yung Bestfriend mo. Teka Bestfriend nga lang ba?"

"Richard tama na"

"Kahit naman ata anong siksik ko kung siya na yung laman ng puso mo kahit na anong landi ko sayo hindi na magbabago ang nararamdaman mo"

Ibinaba ko si Gavin at iniabot sakanya ang kamay ng bata bago ako umalis.
Kailangan ko na talagang maglabas ng sama ng loob at isang tao na lang ang naiisip ko.... Si Alexa

***********************************

Hi! Penguin ito na po talaga yung update. Thank you sa naghihintay 😘

My Ex-Boyfriend Is My NEW BOSS (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon