Chapter 30

2.9K 80 2
                                    


  Dawn's POV

Nanlulumo akong umupo sa pwesto ko kanina kasama si Gavin. Nakokonsensya ako dahil totoo ang sabi ni Richard dapat pareho ko silang kinausap at tinanong sa nangyari kakausapin ko na lang siguro siya bukas.

"Dawn? Are you okay?"

Sabay na tanong ni Alice at Mike kaya napatingin ako sa kanilang dalawa atsaka umiling. Nasasaktan ako dahil yung isa sa mga taong mahalaga sakin ay nasasaktan ko.

Bigla namang tumayo si Mike kaya napatingin ako sakanya.

"Punta muna ko sa Man's room sasama ko si Gavin"

Tumango lang ako at bumalik sa pagkakatungo alam kong kaya umulis si Mike kasama si Gavin ay para makapag-usap kami ni Alice kaya naman pagkaalis nina Mike ay agad akong tinabihan ni Alice. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagsimula na kong humikbi

"Okay lang yan Bess"

Pag-aalo sakin ni Alice

"Bess hindi ko na alam masyado ko na ata siyang nasasaktan"

Tuloy-tuloy pa rin ako sa paghikbi.

"Bakit? Ano ba kasing nangyari?"

Mas lalong nag-alpasan ang luha sa mata ko ng maalala ko yung reaksyon niya nung nakita niya kami ni Mike, yung pagguhit ng sakit at galit sa mata niya mas lalo akong nakonsensya.

Naikwento ko lahat ng pangyayari kay Alice at isang malakas na batok ang iginawad niya sakin.

"Gaga ka ba? Pagkatapos nung nangyari sa inyo sa Batangas gaganyanin mo yung tao. Kahit ako, kahit ako Dawn magagalit"

"Eh kaya nga nagi-guilty ako di ba?"

"Dapat lang. Pagkatapos nung mga effort na pinakita niya sayo Hmmmp!"

Akmang babatukan na naman niya ko ng pigilan ko yung kamay niya.

"Bukas na bukas kakausapin ko siya magso-sorry ako sakanya"

Sumang-ayon naman si Alice. Pagkaraan pa ng ilang oras ay naghiwalay din kami ni Alice umuwi na kami ni Gavin at ganun din si Mike.




  Richard's POV

Kinokontak ko ang number ni Alexa pero cannot be reach kaya ako na namang mag-isa ang magpapakalunod sa alak wala kasi ang barkada yung iba out of town yung iba naman out of the country kaya ako na AKO NA ang DAKILANG LONELY! Bwiset na buhay 'to kung kelan kailangan ko ng kausap tsaka naman sila wala ganito ba talaga kalupit ang mundo sakin? Wala na ngang nagmamahal wala pang kaibigan na masandalan!

Nanlulumo na naman akong umuwi ng bahay. Dumeretso ulit ako sa mini bar at kumuha ng alak ganito na lang ba ko palagi? Ayoko ng ganitong buhay ayoko ng ganito kalungkot na buhay. Nakakatakot na baka isang araw maisipan ko na lang magpakamatay. Ayokong mapabilang sa mga lalaking nag-suicide ng dahil sa pagkabigo sa pag-ibig.

Nakaapat na kong bote ng napagpasyahan ko ng tumigil sa pag-iinom nahihilo na kasi ako at umiikot na ang paningin ko. Pinilit kong umakyat papunta sa kwarto at ng nakapasok ako sa kwarto ay pabagsak akong humiga sa kama ilang saglit pa ay naisipan kong tawagan ulit si Alexa na ilang ring pa lang ay sinagot na

"Hello Alexa? Where are you? Why are you not anwsering my calls? Alexa I need you pls!"

Pangbungad ko sakanya. Hindi naman sumasagot si Alexa kaya muli kong tinawag ang pangalan niya.

"Hello Alexa can you hear me? Are you still there?

Bigla naman akong nakarinig ng hikbi ng isang babae.

"This is not Alexa. It's me Dawn"

Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig at muling tiningnan ang screen ko na nanlalabo na sa paningin ko. dun ko lang narealize na number nga yun ni Dawn.

**********************************

Hi! Penguins dahil wala akong pasok hanggang bukas ito na ulit ang update 😊

My Ex-Boyfriend Is My NEW BOSS (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon