Chapter 22

1.1K 12 5
                                    

I dedicate this chapter to my Bitch friend Larah Jean na nagre-request pa ng SPG sa chapter na to 😄 oh ito na kaya lang wala nung request mo 😃 Belated Happy birthday Bitch! mwah 😘😘

**********************************
Richard's POV

Maaga kaming gumising ni Dawn para daanan pa ang mga gamit niya na nasa bahay nila. Habang nasa biyahe ay tanong siya ng tanong kung saan daw ba kami sa Batangas ano daw ba mga activities na gagawin namin at kung ano-ano pa.

Nang makarating kami sa na pag-usapan na pagkikitaan ay kumpleto na sila nakasakay na lahat sa Bus.. Nang masigurado ko na okay na ang lahat ay tinawag ko na si Charlie na nakasakay sa Van. Napagdesisyonan ko kasi na sa Van na kami ni Dawn para No limitations kung gusto kong hawakan ang kamay niya mahahawakan ko, kung gusto ko siyang yakapin makayakap ko siya dahil walang mga matang nakatingin nanghuhusga samin. Ayaw kasi ni Dawn ipaalam sa mga katrabaho niya na naging magkarelasyon kaming dalawa noon at ang bago na namang sumisibol naming pagtitinginan sa isa't-isa sabi pa nga niya pagdating daw namin ng resort wag daw akong dikit ng dikit sakanya dahil baka mahalata ng mga katrabaho niya. Sabi ko naman ano naman kung malaman nila dapat nga ngayon pa lang alam na nila para ngayon pa lang iginagalang ka na nila pero wala ayaw niya daw ng ganon ayaw niya daw ng may special treatment kaya wala na kong nagawa. Wala eh Boss ko siya kaya siya ang masusunod.

"Guy's this whole resort reserved just for us! So do whatever you want....BUT! know your limitations. Are we clear?"

"Yes Sir!"

"Okay unpacked all your things and after that we will eat all together"

Pagkasabi ko nun ay nagpuntahan na ang mga empleyado ko sa kani-kanilang kwarto. Tatlong tao kasi kada kwarto sila na ang bahala kung sino ang gusto nilang kasama gusto ko nga sanang kasama si Dawn sa kwarto kaya lang sigurado akong hindi papayag yun.

After 30 mins. ay nagsilabasan na sila at nagsilapitan sakin na nasa mahabang lamesa na. Ang mga staff naman ng resort ay naihahain na ang mga sea food naming ulam, nakalagay kasi ang kanin namin sa pinagtagpi-tagping dahon ng saging kaya masarap kumain ito ang pinaka-gusto ko kapag nagce-celebrate ng pre-anniversary ng kompanya bukod yung sa mga empleyado ko at yung mga investors.

Padami na ng padami ang mga tao sa loob ng kubo pero wala pa din si Dawn siguro kasama pa nun yung mga kaibigan niya.

Pagkaraan ng ilang minuto ay biglang nagkaingay kaya napalingon ako sa lugar na pinagkakaguluhan.

"Wow! Dawn sinasabi ko nga ba eh! May ganda ka pang tinatago"

Sigaw nung isang empleyado ko na babae

"Baby! Sexy mo!"

Natatawang sigaw nung isang empleyado na lalaki na mukhang ka-close naman niya dahil inakbayan pa siya. Gago yun ah!

"Hey! Guys get in here! Let's eat"

Napatingin naman sila sa aking lahat at ng magtama ang mata namin ni Dawn ay binigyan ko siya ng masamang tingin kaya agad niyang nilihis ang tingin niya.

Habang kumakain ay pasulyap-sulyap ako sakanya dahil magkatapat lang kaming dalawa. Pagkatapos kumain ay nagka-kwentuhan pa sa loob ng kubo habang nagpapahinga.

"Pero mas galante talaga si Sir Augustin magpa-outing kesa kay Sir Ryan"

Nagkatawanan naman kami dahil totoo naman na kuripot si Ryan pagdating sa ganitong bagay.. Ryan is my cousin at bata pa lang kami kilala ko na yan at talagang mahigpit yan sa pera.

My Ex-Boyfriend Is My NEW BOSS (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon