Erik's POV
Maga-alas diyes na kami ng gabi nakauwi. Tulog na si Gavin at ilaw na lang sa sala ang natitirang buhay. At dun namin naabutan na natutulog ang nagbantay kay Gavin. Agad naman siyang nagising at nagpaalam na din na aalis na.
"Dawn pwede bang dito na lang ako matulog? Medyo pagod at inaantok na din kasi ako"
Paalam ko sakanya.
"Ehhh- wala ng extra na kwarto. Alam mo naman yun di ba?"
"Yea. I know. Can I share with you?"
Agad niya naman akong sinamaan ng tingin.
"Hey! Wala akong ibang gagawin okay. Talagang pagod lang ako at gusto ko ng matulog"
Tiningnan muna niya ko na animo'y kinikilatis. Tsaka ako tinaasan ng kilay.
"Sige. Dadalhan na lang kita ng kumot at unan"
Napakunot naman ang noo ko.
"Teka. Dito mo ko patutulugin sa sofa?"
"Oo bakit? Saan ba ang akala mo?"
"Dawn naman. alam mo namang masikip at maliit itong sofa niyo"
"Oh eh di umuwi ka na lang. Nakikitulog ka na nga lang nagrereklamo ka pa"
Napaupo na lang ako sa sofa. Kainis naman ang init na nga dito sa sala ang sikip pa.
"Oh ito na. Matulog ka na maaga ka pa uuwi bukas"
Hindi ko na siya pinansin hanggang makapasok siya ng kwarto niya.
Inayos ko na ang unan ko at humiga.Ilang minuto na ang nakakalipas napag-desisyonan ko ng maghubad na lang muna at mag-boxer na lang dahil pawis na pawis na talaga ko.
Bumalik ako sa pagkakahiga ko. Pero hindi talaga ko makatulog kaya lumipat na ko sa kwarto ni Dawn kahit na alam kong magagalit siya.
Lumakad ako papunta sa kwarto ni Dawn at pinihit ang seradura. Pagbukas ko ng pinto ay walang tao sa loob mukhang naliligo pa siya.
That's a good thing wala na siyang magagawa kapag nakahiga na ko sa kama niya.Bukas na ang aircon kaya humiga na ko sa kama. Ilang minuto pa lang ay nakaramdam na ko ng pagbigat ng talukap hanggang sa makatulog.
Dawn's POV
Pagkabigay ko kay Richard ng unan at kumot na gagamitin niya ay dumeretso ako sa CR para maligo medyo nagtagal pa nga ako dahil napasarap ako pagbababad.
Paglabas ko ng CR ay napasinghap ako ng makita ko sa Richard na nakahiga na sa kama at naka-boxer lang kaya naman tumambad sakin ang maganda niyang katawan hindi ko naman mapigilan na hindi mapatingin sa bandang baba niya. Sh*t namamanyak na din ata ako.
Iniiwas ko na ang tingin ko kay Dawn at dumeretso na ko sa drawer. Nagbibihis pa lang ako ng undies ay naririnig kong umuungol ito.
"Hmmmmm!"
Nagmamadali naman ako sa pagbibihis. Nang masuot ko na ang lingerie ko narinig ko na naman si Richard na umungol.
"Hmmmmm! Daaaawn"
Napalingon na ko kay Richard Napapanaginipan niya ko? Naku! If I know puro kamanyakan na naman yan.
"W-wag p-pleasse.... Choose me"
Putol-putol na sabi ni Richard Mali naman pala ang hinala ko..
Lumapit na ko kay Richard at tinapik-tapik ko ang braso niya para magising siya.
"Richard"
Bigla naman siyang napamulat at parang hingal na hingal. Tiningnan niya ko ng may takot sa mata at pagka-kuwan ay niyakap ng mahigpit na akala mo ay mawawala ako sakanya anytime.
Kaya hinagod-hagod ko ang likod niya para mapakalma siya.
"Ano bang napanaginipan mo?"
Mahinahon kong tanong sakanya. Naramdaman ko namang umiling lang siya at isiniksik ang mukha niya sa leeg ko na parang bata na nagtatago saleeg ng Nanay niya.
Makalipas ang ilang minuto ay kumalas ako sa yakap niya para tingnan siya.
Nakita ko kung gaano siya katakot at ngayon ko lang siya nakitaan ng ganitong reaksyon sa mukha niya. Kahit malamig sa kwarto ay kitang kita ko ang bulo-bulutong na pawis nito sa noo.
"Richard ano ba talagang napanaginipan mo?"
"N-nothing... Let's go to sleep"
Tiningnan ko lang siya na nagtatanong. Binigyan lang niya ako ng tipid na ngiti kaya tumabi na ko sakanya. Pagkahiga ko ay agad siyang yumakap sakin at isiniksik sa leeg ko ang mukha niya. Wala naman na kong magawa habang nagpapaantok ay hinaplos-haplos ko ang buhok niya hanggang sa makatulog na din ako.
***********************************
This is the start of their.......😁
Hindi naman sa pinago-overthink ko kayo pero WHAT IF hindi na bumalik si mdz sa showbiz 😥🙃
BINABASA MO ANG
My Ex-Boyfriend Is My NEW BOSS (EDITING)
FanfictionSa buhay ng tao hindi mo matatakbuhan lahat ng problema. Kahit saan ka magpunta kahit saan ka magtago magtatagpo at magtatagpo kayo. Paano kung ang taong matagal mong tinaguan at matagal kang hinanap ay matagpuan ka sa di inaasahang pagkakataon? Paa...