Dawn's POV
Hindi ko na dapat ito nararamdaman pero yung pagpunas niya sa luha ko, yung pagyakap niya sakin para tumahan na ako at yung paghalik niya sa noo ko biglang bumalik lahat.. parang bigla niyang hinukay yung nakaraaan naming dalawa para maramdaman ko na naman ang ganitong pakiramdam... Pagpasok namin sa bahay ay nagyaya siya na magluto daw kami para makakain na ako nakatulog kasi ako kanina nung nasa byahe kami kaya hindi na ko nakakain..
"Anong gusto mong iluto ko?"
tanong ni Richard sakin
"Kahit ano na lang"
"Si Gavin anong paborito niya?"
"Madami.. Siguro lutuan mo na lang siya ng Caldereta at Relyenong Bangus"
"Wow! Pati sa pagkain pare-pareho pala tayo ng taste"
natatawa niyang sabi
"Kaya nga eh.. Pero mostly sayo siya madaming namana"
Natawa naman siya sa sinabi ko
"Siguro nung buntis ka ako palagi yung iniisip mo o kaya naman tinititigan mo yung picture ko kaya ako yung naging kamukha niya 😉"
Bigla naman akong namula at ramdam na ramdam ko yun.. Nakita ko na lang siyang tumatawa kaya dumampot ako ng patatas at binato ko siya kainis!
"Aray! Teka,teka...Your blushing....Love"
Patuloy pa din siya sa pang-aasar sakin habang tumatawa.
"He! Tigilan mo ko Richard baka gusto mong itong kutsilyo na ang tumama sayo"
Asar kong sigaw kay Richard nakakainis!
"Oo na...sorry"
"Magluto ka na nga dyan baka magisiing na si Gavin hindi pa tayo nakakaluto"
"Yes.. Boss 😉"
"Tigil-tigilan mo nga 'yan kakikindat mo! Mukha kang manyak sa kanto"
"Ito.. Itong mukhang 'to mukhang manyak sa kanto?
Tsk! Di pa nga ko kumikindat nainlove ka na--"
"Hoy! Ang kapal mo at kelan ko sinabi yan?"
"Dati.. Kaya nga nabuo si Gav di ba? dahil--"
"Tama na!! Kung saan na naman tayo napunta at pwede ba bawas-bawasan mo 'yang kaanuhan ng bibig mo"
"Oo na ito naman parang iyon lang"
"Magluto ka na.."
"Opo naghihiwa na nga oh!"
Patapos na kami ng marinig ko si Gavin na umiiyak at tinatawag ako kaya nagmamadali akong tumaas sa kwarto.
SA KWARTO
Pagpasok ko ay nakita kong naka-upo sa kama si Gavin at malakas na umiiyak
BINABASA MO ANG
My Ex-Boyfriend Is My NEW BOSS (EDITING)
FanfictionSa buhay ng tao hindi mo matatakbuhan lahat ng problema. Kahit saan ka magpunta kahit saan ka magtago magtatagpo at magtatagpo kayo. Paano kung ang taong matagal mong tinaguan at matagal kang hinanap ay matagpuan ka sa di inaasahang pagkakataon? Paa...