Richard's POV
Kitang-kita ko kung paano hinalikan ni Mike si Dawn nanghihina ako parang gusto ko na lang tumakbo palayo pero hindi ako makakilos hindi ko alam kung paano pa ko nakapagsalita dahilan para itulak ni Dawn si Mike
"D-awn"
Nilingon ako ni Dawn na may kaba ang mukha.
"Richard I can explain"
"Sasama ka ba?"
Pag-iiba ko ng usapan.
"Richard k-kasi"
"Sabi ko sasama ka ba?!!"
Paburag kong tanong sakanya.
"Wag mo nga siyang sigawan"
Singit ni Mike.
"Eh Gago ka pala eh!"
Nilapitan ko siya at pinagsusuntok hanggang sa magdugo ang ilong at labi niya. Hindi ko siya tinigilan hanggang sa inawat na ko ni Dawn.
Lumayo ako kay Mike at muling pinagtuunan ng pansin ang nakatayong si Dawn.
"Alam mo bang tinatawagan kita kanina? Akala ko nagbibihis ka na o naliligo yun pala nakikipaglandian ka sa tarantadong yan!"
Umiiling-iling si Dawn habang maluha-luha.
"It's not what you think Richard"
"Then what?!"
Gigil kong tanong sakanya.
"Paano mo mapapaliwanag ang nakita ko?"
"Hindi-"
"Wag ka ng ngang magtanga-tangahan Richard! Nakita mo naman na di ba?---"
"Wag kang sumingit sa usapan naming dalawa kung gusto mong basagin ko ng tuluyan 'yang pagmumukha mo!"
Sigaw ko kay Mike at muli kong binalik ang atensyon ko kay Dawn.
"Ano? Iiyakan mo na naman ako Dawn?"
Tuloy-tuloy pa din siya sa pag-iyak.
"I'm sorry hindi naman talaga dapat mangyari yun eh"
Humihikbing sagot sa akin ni Dawn. Kaya nilingon ko si Mike. Nginisihan niya lang ako.
"Anong pakiramdam na naisahan kita?"
Nagmamataas na tanong sakin ni Mike kaya napakunot ako ng noo.
"Anong pinagsasabi mo?"
"Ako nakahalik na kay Dawn eh ikaw?"
Nang-aasar na tanong sakin ni Mike. Bigla naman akong napataas ng kilay
"Wag mo kong pagmalakihan dahil higit pa diyan ang kaya kong gawin"
Napakunot naman ang noo ni Mike at pinagpatuloy ko ang sinasabi ko.
"Dahil hinding-hindi mo kayang mapantayan ang pagpapaligayang binibigay ko sakanya. Siguro nga napapangiti mo siya pero alam kong hindi yun katulad ng ngiti niya kapag ako na ang kasama niya"
Taas noong sabi ko sakanya.
*********************************
BINABASA MO ANG
My Ex-Boyfriend Is My NEW BOSS (EDITING)
FanfictionSa buhay ng tao hindi mo matatakbuhan lahat ng problema. Kahit saan ka magpunta kahit saan ka magtago magtatagpo at magtatagpo kayo. Paano kung ang taong matagal mong tinaguan at matagal kang hinanap ay matagpuan ka sa di inaasahang pagkakataon? Paa...