Chapter 17

3.8K 93 9
                                    

Richard's POV

Inaasar ko si Dawn ng biglang may tumawag sakin

"Richard"

Kaya bigla kaming napalingon ni Dawn

"Natasha?"

Bigla naman siyang tumakbo palapit sakin at niyakap ako kaya ginantihan ko din siyang yakap.

"Kamusta ka na? Antagal mong hindi umuwi dito ah?"

"Alam mo namang nasa Maynila ang trabaho ko at ang buhay ko"

"Kaya nga eh.. Nakikita nga kita sa TV.. Sikat ka na talaga!"

"Hindi naman.."

"Mabuti naisipan mong pumunta dito?"

"Ahhh. Oo, actually may---"

Ipapakilala ko na sana si Dawn ng makita ko na naglalakad na siya palayo.. Naku naman

"Ahhh! Natasha una na ko.."

"Saglit"

Pipigilan pa sana niya ko pero patakbo na kong umalis dahil baka hindi ko na abutin si Dawn. Nakita ko na pasakay na si Dawn ng jeep ng pigilan ko siya..

"Dawn. San ka pupunta?"

Pigil ko sakanya bago pa siya makasakay.. Nilingon niya naman ako at tiningnan ng masama

"Bitawan mo nga ko"

"San ka ba kasi pupunta?"

"Uuwi na.. nakakaistorbo lang ata ako sa inyo nung kausap mo"

"Ha? ---"

"Ser, Ma'am sasakay po ba kayo?"

Tanong nung driver na mukhang naiinip na.

"O-opo Manong sasakay po"

Nagmamadali naman si Stella sumakay kaya sumunod na din ako.

"Naku kuya wala na po sumabit na lang kayo"

Napakunot naman ang noo ko at napatingin kay Dawn na nakapilyang ngiti. Agad naman akong lumabas at sumabit sa may hamba ng jeep hayyys! (Ang style po ng pagkakasabit ni PRG ay yung nakaupo sa hamba ng jeep katulad nung mga kondoktor) habang nakasabit ay hindi ko inaalis ang tingin ko kay Dawn dahil puro lalaki ang katabi niya.. Nakakainis naman kasi bakit naubusan pa ko ng upuan hindi ko tuloy makatabi si Dawn.

"Ang gwapo naman niya"

"Kaya nga eh Adonis!"

"Ang yummy!"

Ilan lang yan sa mga bulungan ng mga dalagita na magkakatabi. Hindi ko sila tinitingnan kay Dawn pa rin ako nakatingin na nakakunot na ang noo nakatingin sa mga babaeng pinagbubulungan ako kanina pa. Sus! Hindi pa kasi aminin na nagseselos siya.May bumaba na, na mga pasahero na sakto naman na mga katabi ni Dawnkaya agad akong tumabi sakanya..

"Uy! Bakit nakabusangot ka na naman?"

Hindi siya sumagot kaya inakbayn ko siya para isandal sa dibdib ko.

"Bayad po! Makikisuyo!"

Sigaw nung babae na nasa bandang dulo na inaabot sakin yung bayad niya kaya kinuha ko at inaabot sa driver.

Napansin kong nakatitig sakin si Dawn kaya binalik ko sakanya ang tingin ko.

"Akala ko iisnabin mo yung bayad nung babae eh"

"Kahit laking mayaman ako naranasan ko na din naman sumakay ng jeep 'noh"

"Talaga?"

Hindi makapaniwalang tanong ni Dawn

My Ex-Boyfriend Is My NEW BOSS (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon