Chapter 40

3.2K 83 3
                                    

Richard's POV

Nang makarating kami sa lugar kung saan kami magde-date ay nilingon ko si Dawn na nakasandal na sa pinto ng kotse. Marahan kong tinapik ang braso niya.

"Love gising na. Nandito na tayo"

"Hmmmmm!"

Mahinang ungol niya habang minumulat ang mata niya.

"Asan ba tayo-"

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng makita niya ang lugar na pagdarausan ng date namin. Napasingahap siya at nilingon ako ng may malaking ngiti sa labi.

"A-ugs"

Niyakap niya ko ng mahigpit.

"Namiss ko ang lugar na 'to"

"Ako din eh. Let's go"

Tumango naman siya at mabilis ko siyang dinaluhan para pagbuksan ng pinto.

Paglabas namin ng kotse ay mabilis siyang tumakbo papunta sa tulay na nagdurugtong para makapunta sa overlooking. Nang madating niya ang dulo ay napapikit siya at dinama ang malamig at sariwang hangin. Niyakap ko naman siya mula sa likuran at sinabayan sa pagdama ng malamyos na hangin na tumatama sa amin'g dalawa.

Pagkakuwan ay humarap siya sakin at marahan akong binigyan ng mainit na halik bago muling harapin.

"Thank you. Thank you for bringing me here. Sobrang ganda at presko pa din ng hangin dito. Sobrang ganda pa din ng tanawin nakakawala ng pagod"

Bulong niya habang tinatanaw ang magandang tanawin mula dito sa overlooking. Dinala ko kasi siya sa Cloud 9 dito sa Antipolo isa sa mga sikat na overlooking sa City na 'to.

"Your always welcome mi amor"

Balik  bulong ko sakanya bago ko siya halikan sa noo niya. Habang nakatanaw sa maliliwanag na ilaw sa mataas na lugar ay hindi na naman namin mapigilan ni Dawn alalahanin ang College Days namin lalo na yung mga biglaang road trip tuwing gabi na palaging may kasamang food trip grabe kung maibabalik lang talaga ang panahon.

"Sobrang bilis ng panahon 'no? Dati tayo pa ngayon."

Hindi ko tinapos ang sinasabi ko kaya napalingon siya.

"Ngayon ano?"

Natatawang tanong niya.

"Ngayon..... Ganito na lang"

"Anong ganito na lang? Bakit ano ba tayo?"

Nang-aasar na tanong niya sakin habang nakatawa siya.

"Ewan..... Hindi ko alam?"

Bigla akong napalihis ng tingin at tinuon ko sa ibaba ang aking pansin.

"Sus! Ito naman tampo agad? Binibiro lang kita"

Niyakap niya ko sa likod ko tsaka ako binulungan.

"Nagugutom na ko.... Kain tayo?"

Bigla naman akong natawa sa hitsura niya ng humarap ako sakanya. Ang cute niya. Pagka-pout.

"Okay let's go... Sa dating bilihan"

Hinila ko siya at muling tumulay sa hanging bridge.

Pagkadating namin sa kotse ay wala pang 15 minutes nadating din namin ang dati naming binibilhan.

"Love okay lang ba kung dito lang tayo? Namiss ko kasing kumain ng mga ganito"

Tumango lang naman siya habang nakangiti

"Oo naman namiss ko din kumain ng mga yan"

Dinala ko kasi si Dawn sa likod ng simbahan na bilihan ng mga pasalubong at mga street food. Dun kami madalas dati bumili ng mga pagkain na dinadala namin sa overlooking madalas kasi talaga kami mag-roadtrip nitong si Dawn lalo na sa bandang Rizal dahil bukod sa maaliwalas at sariwang hangin eh nakakatakas kami sa mga problema.

My Ex-Boyfriend Is My NEW BOSS (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon