Chapter 13

3.9K 107 3
                                    

Dawn's  POV

Dumaan ang maghapon na wala si Richard wala yung Boss ko na madalas mangulit, yung Boss ko na madalas nakakunot ang noo at tinititigan ko..

"Nakakamiss ka pala. ano bang masakit sayo? Dalawin kaya kita? Lulutuan na lang kita ng paborito mong pagkain"

Umuwi ako ng maaga nagulat pa nga si Alice nung maaga kong sinundo si Gavin sabi ko pupunta kami sa bahay ni Richard.. Pagkauwi namin ng bahay nagluto agad ako ng paborito niyang ulam, habang nagluluto ako ay pinapanood ko muna si Gavin ng TV.. Mga alas sais ay natapos ako sakto na ito para sa hapunan kaya pagkatapos kong magluto ay agad akong naligo at nagbihis ganun din naman si Gavin nung sinabi ko nga na pupunta kami sa bahay ng Daddy niya actually pent house lang naman yun pero sa tingin ko hindi iyon simple lang na pent house.. tuwang-tuwa naman siya dahil mukhang namiss niya talaga si Richard.

"Mommy Madami din po bang toys sa bahay ni Daddy?"

"Hindi ko alam eh? Hindi pa rin kasi ako nakakapunta sa bahay ng Daddy mo"

Totoo yun nalaman ko lang kung saan ang pent house ni Richard nung may nabasa akong information about him.

"Baby kapag nasa bahay tayo ni Daddy wag kang masyadong malikot ha?"

"Opo Mommy"

"Promise?"

"Promise! ✋"

"Okay let's go na"

Umalis kami sa bahay ng six-thirty pasakay pa lang kami ng kotse ay nakaramdam na ko ng  kaba at pagkabalisa kaya habang nasa byahe kami hindi ko napapansin na kanina pa daldal ng daldal si Gavin... Iniisip ko kasi kung paano ako hihingi ng tawad kay Richard

"Mommy are you okay? ..... Mommy?"

"Ahhh! Y-yea"

Napalingon ako sa pagtapik ni Gavin sa braso ko nginitian ko lang siya as a sign na okay talaga ko..
  Nakadating na kami sa parking lot hindi ako nakakilos agad, tiningnan ko muna si Gavin para kumuha ng lakas ng loob bago kami lumabas ng kotse dere-deretso kami sa elevator hanggang madating namin ang floor ng pent house ni Richard malaki nga ang pent house ni Richard dahil sakop nito ang isang buong floor nilibot ko muna ang paningin ko hindi ko mapigilan mapahanga sa ganda at pagkasosyal sa labas pa lang ito ha! Paano pa kaya sa loob?
 Pagkatapos ko magmasid ay napagdesisyonan ko ng mag-door bell

"Ding-dong"

Pagkaraan ng tatlong doorbell ay bumukas na ang pinto. Noong Una ay ngiting-ngiti si Gavin dahil akala niya Daddy niya ang sasalubong sakanya..

"Dawn? Napadaan ka?" Rocky

"A-aah k-kasi.... k-kasi di ba sabi mo nagkakasakit si Richard? Gusto lang sana namin dalawin--"

"Hoy Rocky sino ba yan-Dawn-- sino naman itong cute na baby boy na kasama mo?" Miggy

"Ahh--anak ko"

"Ha? May anak ka na?" Miggy

"Malamang kakasabi niya nga lang di ba? .. Dawn wag ngayon hindi maganda ang mood niya baka mapag-initan ka lang niya pati yan'g batang kasama mo"

"Hindi okay lang ibibigay ko lang ito sakanya"

"Dawn wag na nga muna sabi eh"

"Ibibigay ko lang--"

"Rocky, Miggy ba't ba ang tagal niyo, sino ba yan?"

Sabay- Sabay kaming napalingon sa nagsalita

"Ahh Bro s-si  si  Dawn-"

"Daddy!!!"

My Ex-Boyfriend Is My NEW BOSS (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon