Chapter 20

3.7K 99 10
                                    

Dawn's POV

Padabog akong umalis sa opisina. Nakakainis talaga yan si Richard palibhasa alam niyang hindi ako makakatanggi sa harap ng mga kaopisina ko e talagang doon pa ko kinausap tungkol sa outing.

Pumara ko ng taxi at agad na dumeretso ng bahay nandun kasi sina Tita at Tito sila na daw muna magbabantay sa apo nila halata sakanila ang pagkasabik sa apo kaya hinayaan ko na lang sila. Pagkauwi ko ng bahay ay sinalubong ako ni Gavin

"Hi! Mommy!!!"

Agad siyang nagpakarga sakin kaya binuhat ko naman siya.

"Hello Baby, nagbait ka ba kina Mamita at Mito?"

Tumango tango naman siya

"Yes, yes.."

Tumingin naman ako kina Tita at Tito na nakangiti habang pinapanood kami ni Gavin.

"Oo nakakatuwa nga siyang alagaan para kaming nag-alaga ulit ng batang Richard. Ganyang-ganyan si Richard kakulit nung bata"

"Ahh Hehehe! Salamat po talaga Tito at Tita"

"Ano ka ba Dawn wala yun, basta sa gwapo naming apo willing kaming bantayan siya"

Nginitian ko lang sila.

"O siya hija hindi na kami magtatagal at may pupuntahan pa kami ng Tito mo"

"Asige po ingat po kayo. Gavin say goodbye to Mita and Mito"

Agad naman siyang bumaba sa mga bisig ko at humalik at nagmano sa Lolo at Lola niya.

"Sige hija tutuloy na kami"

Hinatid namin ni Gavin sina Tita at Tito sa may pinto hanggang makaalis, Nang makaalis sina Tito at Tita ay sinabi kay ko si Gavin na lalabas kami magga-gala gala lang hapon pa lang naman.. Sinuotan ko na lang siya ng simpleng t-shirt at khaki shorts habang ako naman ay nagsuot lang din ng short at polo t-shirt parehas kaming naka-blue kaya napangiti ako. Palabas na kami ng pinto ng bumungad samin si Richard na naka-khaki short lang din at naka-polo shirt din na blue? Teka bakit ba siya nandito at bakit siya naka-terno samin ni Gavin..

"Daddy!!!! Daddy sasama ka din po ba samin?"

"Ofcourse baby i'll come"

"Yehey! Mommy Tara na po!"

Hatak sakin ni Gavin na may malapad na ngiti kaya nagpatianod na ako.. Habang naglalakad ay medyo nagpapahuli ako dahil gusto kong kausapin si Richard.

"B-bakit ka nandito?"

"Because of Gavin, Why? ano ang ine-expect mo?"

Ayan na naman yan siya sa katarayan niya at pagiging cold niya.

"Wala nagtatanong lang "

Pagkatapos ng pag-uusap namin na yun ay hindi na ulit yun na sundan si Gavin na lang ang daldal ng daldal gusto niya daw bumili ng laruan na malalaki at kumain sa Mc Do gusto niya din daw manood ng Sine baymax at Zoomania ang pinagpilian niya. Habang naglalakad kami papasok ng Mall ay madaming napapalingon samin este sakanila lang pala, sino ba namang babae ang hindi mapapatingin sa Gwapong katabi ko na may buhat-buhat na cute na cute na bata. Habang naglalakad ay tinanong ko muna siya kung ano ang gusto niyang panuorin at ang napili niya ay baymax

"Kami na bibili ng pagkain natin ikaw na bumili ng ticket"

Tumango lang naman siya at pumila na habang kami ni Gavin ay bumibili. 3 popcorn at tatlong C2 lang naman ang binili namin iba ibang flavor ang binili ko sakin Yellow kay Richard red kay Gavin naman Green. Nang makabalik si Richard ay hindi ko mapigilan mapangiti ng makita ang nakakunot niyang noo at nakabusangot niyang mukha.

My Ex-Boyfriend Is My NEW BOSS (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon