Chapter 19

3.7K 95 6
                                    

Para sa mga nangungulit sakin na mag-update na ito na. I dedicate this Chapter to AernTOOT, fatimaespejo and Tricia 😊

************************************

Richard's POV

Nagising ako sa kamay na humahaplos sa mukha ko.. Bigla akong napamulat at nilingon kung sino ang lapastangan na sumira ng magandang tulog ko. Ang ganda na nung panaginip ko eh nagkabalikan na  kami ni Dawn-- .
Teka galit nga pala ko sakanya.. Agad kong hinawi ang kamay niya para mailayo sa mukha ko. Umupo ako sa kama kaya nakatalikod ako sakanya inilibot ko ang paningin ko at napansin ko na iba ang kwarto na 'to

"Anong ginagawa ko dito? Bakit nakahubad ako? Anong ginawa mo?"

Hindi naman siya agad sumagot kaya nilingon ko siya ng may matalim na tingin. Nakikita ko naman ang takot  at ang pagka disappoint sa mukha niya..

"Aaahh... K-kasi... Sinundan kita sa bar.. Baka kasi.. Baka kasi may masamang mangyari sayo--"

"I didn't know na may concern ka pa pala sakin... Kelan pa?"

Hindi naman siya umimik at tumungo lang..

"Where's my clothes?"

"N-nasa laundry shop pa nasukahan mo kasi kanina"

Napahinga na lang ako ng malalim na para bang nagpipigil ng galit dahil sa nangyayari ngayon kahit na ang totoo ay gustong-gusto ko na siyang yakapin. Ayoko naman talaga siyang tarayan kaya lang Ayoko naman na paulit-ulit niya yung ginagawa.

"M-may nangyari b-ba?"

Hindi naman siya tumugon kaya nilingon ko siya. Nakatungo pala siya kaya hinawakan ko ang baba niya dun ko nakita na umiiyak na pala siya.

"Wag mo kong iyakan Dawn tinatanong kita"

Matigas kong usal sakanya. Tumango lang naman siya kaya binitiwan ko na siya.

"Tawagan mo na yung laundry shop. Para dalhin na dito ang damit natin. Magsho-shower lang ako"

Pagkasabi ko nun ay agad akong tumayo hindi na ko nagabala na takpan pa ang katawan ko. Pagkapasok ko sa CR doon ko inilabas lahat ng inis ko. Habang naliligo ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na suntukin ang pader na dahilan ng pag-agos ng dugo sa kamay ko. Hindi ko ramdam ang sakit dahil parang namamanhid ang katawan ko nasobrahan na ata ako sa pagkamanhid na pati buong katawan ko na namanhid na din. Tuloy-tuloy ang agos ng tubig sa katawan ko ganun din ang dugo na umaagos sa kamay ko. Pagkatapos kong maligo ay nakita ko si Stella na bihis na. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala lalo na nung makita niya ang sugat sa kamay ko na hanggang ngayon ay nagdurugo pa rin. Lumapit siya sakin para siguro tingnan kung malalim ba ito, kaagad ko naman itong iniwas

"Richard anong nangyari? Halika linisin natin yan. Baka ma-impeksyon-"

"Kaya ko sarili ko"

Dere-deretso ako sa walk in closet para magbihis ng maalala ko na nasa kaya nga pal yun

"Nandito na ba ang damit ko?"

"Oo, N-nandyan na naka--"

Hindi ko na tinapos ang pagsasalita niya. At padabog kong sinarado ang pinto.. Pagkatapos kong magbihis ay agad kong tinanong sakanya ang kotse ko

"Nasan ang kotse ko?"

"Iniwan ko muna dun sa bar na pinag-inuman mo kagabi--"

"Saan ako sasakay?"

My Ex-Boyfriend Is My NEW BOSS (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon