Dawn's POV
Ngayon ang simula ng trabaho ko sa Augustin Corporation kaya gumising ako ng maaga para makapag-prepare akong mabuti at mapagluto ko ng Breakfast si Gav iiwan ko muna siya kina Alice dahil wala naman daw siyang ginagawa nabanggit ko kasi sakanya na natanggap ako sa trabaho at ngayon ang simula ng pasok ko na-kwento ko din sakanya na nagkita kami ni Erik at sa kompanya niya ako magta-trabaho alam niyo ba ang reaksyon ng malandi kong Bff?
《Flashback》
"Omayygaaash!! Bess Alam mo ang tawag dyan? DESTINY!!!"
At kinikilig-kilig pa siya nung binanggit yung Destiny kuno niyang sinasabi..PSH! Parang bata batukan ko nga ng isa..
"Aray naman Bess"
"Para kang bata may pa-destiny destiny ka pang nalalaman dyan. Dito ko iiwan si Gav bukas ha?"
"Sure! Para naman may kalaro 'tong si Annie"
"Osige. Mga 7:30 ng umaga ko siya dadalhin dito"
"Okay anong oras mo siya susunduin?"
"Mga 6pm dadaanan ko na lang siya 5:30pm kasi out ko"
"Okay.. Change topic so ano pang napag-usapan niyo? Buti di kayo na-awkward?
"Psh! Kung alam mo lang Bess.. Nung una nga nanginginig pa ko nung nalaman ko na siya yung may ari nung kumpanya at yung Boss"
"Oh? eh Ano naman reaksyon niya nung nakita ka?"
"Chillax lang siya..Siya yung Boss eh! Tinawanan nga lang niya ko nung napansin niyang kinakabahan ako. Kainis!"
"Eh! Kasi naman bakit ka nga naman kinakabahan?"
May halong pang-aasar na to no ni Alice"Hay! Naku Alice tigil-tigilan mo ko ha! Uuwi na kami"
Pumunta na ko sa kwarto ni Annie para sana yayain ng umuwi si Gav kaya lang pareho na pala silang nakatulog kaya binuhat ko na lang siya.. Nagpaalam na ko kay Alice na uuwi na kami ni Gav kaya sinamahan ako ni Alice na maghintay ng taxi..
"Thank you ulit Bess ha? Bye""
"Ikaw pa ba? Sige na.. bye Bess"
Then bineso niya na ko at hinalikan si Gav sa noo..Pagkauwi namin nun sa bahay agad akong dinalaw ng antok kaya agad akong nakatulog..
Richard's POV
Maaga akong nagising kahit na hindi ako masyado nakatulog. Hindi ko alam kung dahil sa pagka-excite. Nagpa-late ako ng ilang minuto para masiguro na pagpasok ko mamaya andun na siya hindi naman siguro siya magpapa-late. Tama nga ang hula ko nandun na nga siya at mukhang nagulat siya pagpasok ko sa opisina (dun ko na din kasi pinalagay sa loob ng opisina ko yung table niya) pero agad din naman siyang nakabawi dahil binati niya pa ko
"Hi! Good Morning Sir 😊"
"Good Morning mukhang maganda ang gising mo"
"Di naman po Sir ganito na po talaga ako masanay na kayo"
"Well yeah I know..Hindi lang ako sanay na may kasama sa opisina and i'm glad na may kasama na ko sa opisina.. At ikaw pa.."
"Naku! Sir wag kang mag-alala.. Dahil kasama mo na ko walang araw na di tatawa 😉"
"Ofcourse I know kaya nga ang swerte ko na ikaw yung naging secretary ko I really never expect it.. I never expect that we will--"
"Sir excuse po nandito po kasi sa labas si Maa'm Jen she wanted to talk to you daw po"
BINABASA MO ANG
My Ex-Boyfriend Is My NEW BOSS (EDITING)
FanfictionSa buhay ng tao hindi mo matatakbuhan lahat ng problema. Kahit saan ka magpunta kahit saan ka magtago magtatagpo at magtatagpo kayo. Paano kung ang taong matagal mong tinaguan at matagal kang hinanap ay matagpuan ka sa di inaasahang pagkakataon? Paa...