Dawn's POV
Masaya akong lumabas ng opisina ni Richard bukod sa nainis ko siya eh binigyan niya ko ng oras na makipag-kwentuhan sa mga ka-officemate ko.. Hinanap ko si Vicey na naka-upo sa bandang dulo may kausap na lalaki
"Vice!"
Tawag ko sakanya lumingon naman siya at ngumiti
"Oh? Napabisita ka?"
"Ahh! Pinalabas muna ako ni Sir eh mukhang nainis sa kadaldalan ko"
Natatawa kong sabi sakanya
"Naku girl mainitin talaga ulo niyan si Sir kasing hot niya"
"May galit nga ata sa mundo"
"Hindi naman ganyan lang talaga kaming mga gwapo"
Singit nung lalaki na kausap ni Vice kanina
"Wow! Hashtag Pogi problems? Alam mo Ally ang mga ganun na tao tumatandang binata kaya kung ako sayo mag-girl friend ka na.. Ito si Dawn Single, baka gusto mong ligawan mabait yan"
Napataas naman ang kilay ko sa sinabi ni Vice
"I'm single but not ready to mingle"
"Wooaah! Ngayon ko lang narinig yan ah! Haha! Bakit ba kasi ayaw mong magpaligaw?"
"Because I have my own reason"
"Baka naman katulad ka ni Margie na hindi maka-move on sa Ex niya?"
"Excuse me? Matagal na kong naka-move on sa EX ko.. May iba lang akong gusto"
"Ahh! Kaya pala ayaw magpaligaw kasi may Ibang gusto--"
Asar sakin ni Ally na feeling close agad
"Ms. Fernandez? Binabayaran kita para magtrabaho hindi para makipagchismisan"
Napalingon naman kaming tatlo sa nagsalita.. Pati tuloy yung ibang empleyado ay napapatingin na samin.. Akala ko ba pinayagan niya kong makipag-kwentuhan? Napaka-bipolar talaga niyang tao.. Bumalik tuloy kaagad sila Vice at Ally sa trabaho nila kaagad din naman akong tumayo sa inuupuan ko.
"Sir!"
Hinabol ko siya habang mabilis na naglalakad pabalik sa opisina
"Sir! Sandali po"
Sigaw ko sakanya na parang walang naririnig. Pumasok siya sa opisina niya, hindi na nga niya nagawang isarado ang pinto dahil dere-deretso siya. Pagpasok ko ng opisina ay isinarado at nilock ko ang pinto
"Akala ko ba pinayagan mo kong makipagkwetuhan?"
"Sino yung lalaking kausap niyo?"
"Kaibigan ko.. Ano bang problema mo!"
Sigaw ko sakanya nakakainis eh!
"Kung may problema ka sakin wag mong idamay ang ibang tao"
Hindi niya ko iniimik at nakakunot noo nakatungo habang nilalaro niya lang ang ball pen na hawak niya na parang walang naririnig
"Richard, ano ba!! Magsalita ka nga! Wag mo kong pagmukhaing tanga dito na salita ng salita wala namang sumasagot!"
Wala pa rin bingi-bingihan pa rin huminga muna ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko walang pupuntahan ang usapan namin kung mainit ang ulo ko..Nilapitan ko siya at hinawakan ang baba niya para iharap sakin
"Ano bang problema?"
Mahinahon ko ng tanong sakanya tumingin naman na siya sakin
"So, who's the lucky guy?"
BINABASA MO ANG
My Ex-Boyfriend Is My NEW BOSS (EDITING)
FanfictionSa buhay ng tao hindi mo matatakbuhan lahat ng problema. Kahit saan ka magpunta kahit saan ka magtago magtatagpo at magtatagpo kayo. Paano kung ang taong matagal mong tinaguan at matagal kang hinanap ay matagpuan ka sa di inaasahang pagkakataon? Paa...