Richard's POV
Nilingon ko muli si Dawn na nakakunot ang noo dahil sa pag-uusap namin ni Mike.
"Aalis na ko mukha namang wala kang balak sumama"
Palabas na ko ng pinto ng pigilan niya ko at hilahin sa braso para humarap sakanya.
"Sasama ko"
Nilingon niya si Mike at pinagpatuloy ang sasabihin niya.
"Magbibihis lang ako"
Tumango lang ako kaya dali-dali siyang tumaas sa kwarto niya. Kaming dalawa na lang ni Mike ang naiwan kaya muli kong binalik sakanya ang atensyon ko. Nginisihan ko siya habang umiiling.
"Tsk. Tsk. Kung makapagmayabang hindi naman ako kayang lagpasan"
Pagpaparinig ko kay Mike na nakaupo pa rin sa semento hanggang ngayon
"Ako ba pinaparinggan mo?"
Inis na tanong niya sakin.
"Bakit sino pa ba? Eh dadalawa lang naman tayo dito sa sala. Unless may nakikita ka pang iba"
Taas babang kilay na sabi ko.
"Wag mo kong minamaliit Augustin dahil hindi lang din yun ang kaya kong gawin"
Nakangisi din niyang sabi Psh! mukha siyang manyak sa kalye.
"At sa tingin mo hahayaan kita? Not this time dahil 'ang akin ay akin at ayaw ko ng may kahati' kaya ngayon pa lang sinasabihan na kita. Lumayo-layo ka na kung ayaw mong sa mga susunod na araw hindi ka na makilala"
Matiim na sabi ko sakanya.
"Bakit ano-"
"Richard Tara na?"
Sigaw ni Dawn kahit na nasa taas pa siya at pababa pa lang ng hagdan. Nang makalapit si Dawn ay inakbayan ko agad siya. Nakaupo pa din dun si Mike habang pinapanood lang kami.
Palabas na kami ng pinto ng biglang tumigil si Dawn para harapin si Mike.
"Ahhh-hh. Mike h-hindi ka pa ba uuwi?"
Nag-aalangan na tanong ni Dawn kay Mike. Na masama na ang tingin sakin dahil sa pagngiti ko.
"Sige una na ko"
Tumayo siya at dali-daling lumabas nasa tapat na kami ng gate ng bahay ni Dawn ng nakita ko si Mike na nakatingin pa rin samin ni Dawn. Kaya ang nakapulupot kong kamay sa bewang niya ay ibinaba ko sa pang-upo niya at pinisil ko ng bahagya kaya napatingin sakin si Dawn.
"Ang sexy mo"
Bulong ko sakanya. Hindi niya alam na kaya ko yun ginawa ay para asarin si Mike hindi naman niya na ko pinansin at sumakay na siya sa kotse, ganon din ako.
Habang nasa kotse ay hindi ko mapigilang mapatingin sa suot niya na high waisted short at loose white polo. Hindi naman ganon kaiksi ang sout niyang short at mukhang hindi naman siya nagpapaseksi pero sobrang nakakaakit siya saking paningin. Siguro ay kung hindi ko siya kilala mapagkakamalan ko siyang dalaga. Sobrang sarap niyang titigan--
"R-ichard madami ba silang bisita? Ayos lang ba na ito lang ang suot ko?"
Pagputol ni Dawn sa pagpupuri ko sa kagandahan niya sa isip ko.
"Hindi naman masyado, kaming Barkada lang at si Alexa"
"Si Alexa? Oo nga pala.... Malalaman niya na-"
"Matagal na niyang alam. Matagal na kitang kinu-kwento sakanya"
Tumango lang siya at muling binalik ang atensyon sa pagmamasid sa dinaraanan namin.
BINABASA MO ANG
My Ex-Boyfriend Is My NEW BOSS (EDITING)
FanfictionSa buhay ng tao hindi mo matatakbuhan lahat ng problema. Kahit saan ka magpunta kahit saan ka magtago magtatagpo at magtatagpo kayo. Paano kung ang taong matagal mong tinaguan at matagal kang hinanap ay matagpuan ka sa di inaasahang pagkakataon? Paa...