Chapter 14

3.8K 116 8
                                    

  I wanted to dedicate this chapter to #AernTOOT dahil tinext niya pa talaga ko na mag-update na kaya here it is

Richard's POV

Nakalapag na ang chopper namin pero hindi ko pa rin binibitawan ang kamay niya kaya napatingin siya

"Sir, okay na po hindi na po ko natatakot"

"Sus! ganyan naman kayong mga babae eh pagkatapos niyo kaming gamitin basta-basta niyo na lang kami iiwan"

Bulong ng isip ko.. Kaya agad ko siyang binitawan at naunang bumaba inilahad ko ang kamay ko na agad niya namang tinanggap.. Pagbaba niya ng Chopper ay Sabay kaming naglakad.. Habang naglalakad ay pinaalalahanan ko na siya..

"4 days tayo dito sa Palawan---"

"Ha? Paano si Gavin? Walang mag-aalaga sakanya--"

"Binilin ko siya kina Mommy kaya sina Mommy at Daddy na muna ang bahala kay Gavin"

"Hindi sumasama si Gavin kung kani-kanino"

"Kinausap ko na siya kanina"

Napakunot naman ang noo ni Dawn

"Plinano mo ba lahat ng ito?"

"Hindi.. at bakit ko naman gagawin yun?"

"Aba! Malay ko bang ganon ka ka-desperado na makasama ko"

Bulong niya na dinig na dinig ko naman

"Pardon me? Ms. Fernandez"

"Wala po kamo"

"Good. Shall we?"

Agad naman siyang tumango.. Nakasakay na kami ng elevator ng muli siyang magtanong

"Sir saan po tayo magste-stay kung 4 days tayo dito?"

"Remember my cousin, Roby? Dito na din siya nakatira"

"Talaga? Ehh! Sino naman kasama niya I mean---"

"His family.. His 5 years married...
May dalawa na ngang anak eh"

"Wow! Talaga? Akalain mo nga namang magtitino din pala ang isang yun?"

"Lahat naman ng tao nagbabago, lalo na kapag nakilala mo yung taong mamahalin mo... For lifetime"

Napatingin naman siya sakin na nagpipigil ng tawa

"Sir... Hugot?!! Hahaha! Mga kuya ganyan ba talaga si Sir ka-drama kapag kasama niyo? Hindi ko alam na may ganyan ka palang side pagdating sa pag-ibig?"

Sinamaan ko naman siya ng tingin pero hindi pa rin siya nagpatinag kaya pati yung mga body guards na kasama namin ay hindi na rin napigilan tumawa

"Ms. Fernandez pinagtatawanan mo ba ako?"

Agad naman napatigil ang mga body guard na nakikitawa kay Dawn dahil alam nila ang tono ng boses ko kapag naiinis na ko.

"Oo.. Kayo naman Sir.. Masyadong seryoso.. Nakakatanda yan"

Muli.. Pinukulan ko siya ng masamang tingin

"Okay. Okay hindi na po..."

Ilang Segundo ay lumabas na din kami ng elevator at tinungo ang inarkila ng mga tita ko na resto na pagkikitaan ng aking Pamilya actually it's almost a family gathering na rin ng mga "Suarez" sa side ng Mom ko.. Para ngang nahiya si Stella dahil kakilala niya ang pamilya ko sa mother side at father side dahil pinakilala ko siya sakanila on my 21st birthday ..

My Ex-Boyfriend Is My NEW BOSS (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon