Dawn's POV
Mabilis na pinaandar ni Richard ang sasakyan niya pauwi sa bahay.Nang nasa gate pa lang kami ay nahuhulahod ako sa bilis niyang maglakad kaya binuhat niya na ko.
"Hindi ka na din makapagpigil Mr. Augustin?"
Mapang-akit kong Bulong sakanya na sinabayan ko pa ng pagkagat sa punong tenga niya. Hindi ko alam kung anong alak ang ipinainom sakin dahil sobrang nag-init ang buong katawan ko nung isinakay ako ni Richard sa kotse, kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Pagkapasok ng bahay ay nakaramdam ako ng sobrang hilo at bigla na lang akong nasuka.
"Shit! Dawn naman eh. Wala akong dalang damit!"
Sigaw ni Richard. Natawa lang naman ako sa reaksyon niya para naman ngayon ko lang siya nasukahan sa damit.
"Sorrryy!!! Maghubad ka na lang"
"Ano pa nga bang magagawa ko?"
Inis na Bulong niya.
Iniwan niya muna ko at pumasok siya sa CR. Pagkalabas niya ay naamoy ko na mukhang bagong ligo siya. nakapikit na kasi ako at inaantok hinihintay ko lang talaga siyang lumabas ng CR para tabihan ako.
"Babe?"
Hindi naman siya sumagot pero ramdam ko na malapit lang siya sakin.
"Do you want to sleep na?"
Tanong naman niya. Tumango lang ako at itinaas ko ang aking dalawang braso na nagpapahiwatig na yakapin niya ko, naramdaman ko namang lumundo ang kama at naramdaman ko na lang na nakayakap na siya sakin nakapang-ibaba lang siya kaya ramdam ko ang init ng katawan niya. Niyakap niya ko ng mas mahigpit habang hinahaplos ang buhok ko na dahilan para makatulog ako.
Kinaumagahan ay nagising ako na may nakayakap sakin . Bigla naman akong napadaing sa sakit ng ulo kaya agad na nagising si Richard.
"What's wrong?"
"Ang sakit ng ulo ko!"
reklamo ko sakanya.
"Tsss! Hang over"
Tumayo siya at lumabas saglit sa kwarto. Di man lang inisip magsuot ng t-shirt, naka-boxer short lang kase siya.
Pagkabalik niya ay may dala na siyang breakfast at gamot na nasa gilid ng tubig. Habang papasok siya ng kwarto ay hindi ko mapigilan mapatanong sa sarili ko ng "shit ba't ang hot niyang tingnan?" Hindi ko alam kung dahil pa din ba 'to sa hangover o talagang namaman--
"Hey! Love don't glare at me like that"
Pagpuputol ni Richard sa iniisip ko.
"Ahhm A-ang sarap nagugutom na ko"
Sagot ko sakanya habang nakatitig sa katawan niya. Shemms ba't ganito nararamdaman ko?
"Ha? Love are you okay?"
Natatawang tanong sakin ni Richard.
"Y-yea. A-ano yan mukhang masarap ah?"
"Pancake lang. para makainom ka na ng gamot"
Tumango lang naman ako bilang sagot at nagsimula ng kumain at kagaya ng dati hindi nawala ang panglalandi niya sakin na kung minsan ay susubuan ako na susundan niya ng paghalik sa labi ko.
Natapos ang breakfast namin at sinabi niyang siya na daw ang magliligpit ng pinagkainan namin kaya pumasok na ko sa CR para maligo. Sakto naman na Paglabas ko ng CR ay siya namang pasok ni Richard sa kwarto nginitian ko siya at sinabing maligo na.
BINABASA MO ANG
My Ex-Boyfriend Is My NEW BOSS (EDITING)
FanfictionSa buhay ng tao hindi mo matatakbuhan lahat ng problema. Kahit saan ka magpunta kahit saan ka magtago magtatagpo at magtatagpo kayo. Paano kung ang taong matagal mong tinaguan at matagal kang hinanap ay matagpuan ka sa di inaasahang pagkakataon? Paa...