Richard's POV
Alam ko kung sino yung papasok sa office ko at gusto kong makita niya kami ni Dawn sa ganitong tagpo sigurado ako magugulat siya... Napapangiti ako habang ini-imagine ang reaction niya. Mas dinikit ko kay Dawn yung katawan ko ramdam ko ang pagkagulat niya dahil hindi siya makakilos kaya pinisil ko siya sa bewang niya.
"Richard? "
Napalingon ako sa likod ko and there she is kunwari pa kong nagulat pagharap ko sakanya.
"Mom? What are you doing here? "
Gulat kong tanong kay Mommy
"Well I just want to check the company and I didn't expect that SHE'S HERE"
At sinilip pa niya si Dawn na may malapad na ngiti
"Mom can't you see i'm busy may--"
"Yes my Dear Son I can see OBVIOUSLY ..Pero anak naman kung gagawa kayo ng apo ko wag dito paano na lang kung iba yung pumasok eh di nahuli kayo"
Napasinghap naman si Dawn sa sinabi ni Mommy tsk! tsk! Si Mommy talaga alam ko namang close sila ni Dawn dati pa kaya lang kakikita lang namin ni Dawn ganun agad ang bungad sakanya ni Mommy.
"Ayy! Naku Tita nagkakamali po kayo--"
"Ano ka ba Dawn okay lang yun alam kong sabik 'tong anak ko antagal na din niyan naghintay na bumalik ka"
Nanlaki naman ang mata ni Dawn dun sa last word ni Mommy andaldal-daldal talaga ni Mommy pati ba naman yun kailangan pang sabihin kay Dawn
"Mom naman pati ba naman yun, kailangan mo pang sabihin kay Dawn?"
"Oh? Bakit. Totoo naman ah! ilang taon kang nagpakasubsob sa trabaho para lang makalimutan siya na hindi mo naman talaga kaya"
"Mom I think you should go.. andami mo ng nasabi"
"Okay, okay Dawn pagpasensyahan mo na 'yang anak ko kung may pagkamasungit ikaw ba naman matengga ng ilang taon"
Talaga namang may huling habilin pa at di na ako natutuwa.. Ulit-ulitin ba naman kung ilang taon akong tengga
"Mom sige na alis na"
Tinulak ko na si Mommy palabas
"Dawn pasensya ka na kay Mommy alam mo naman yun--"
"So hindi ka na nag-girlfriend simula nung naghiwalay tayo?"
Umiling-iling lang ako at yumuko
"Bakit naman ako makikipag-relasyon sa iba kung iba naman yung gusto ko at Mahal ko? "
I was looking at her intently nung binanggit ko yung salitang "Mahal ko" because that is her!
"Ahh-hh tal-aga? Wow ah! Natiis mo talaga yun?"
Alam ko naa-awkward na siya pero gusto kong iparamdam sakanya kung gaano ko pa din siya kamahal kahit iniwan niya ko alam ko namang may rason yung pag-alis niya at kahit hindi niya sabihin naiintindihan ko siya..
"Oo, By the way saan ka pupunta after this uuwi ka na?"
"Wala na uuwi na ko hinihintay na kasi ako ni Ga--"
"Ha? Sinong naghihintay sayo?"
"Si ano.. Si...Mike..Yu-ng kaibigan ko iniwan ko kasi siya kanina sa bahay para may magbabantay sa bahay habang wala ako"
"Ah matagal mo ng kaibigan yun?"
"Oo, childhood friend"
"Nanliligaw sayo?"
BINABASA MO ANG
My Ex-Boyfriend Is My NEW BOSS (EDITING)
FanficSa buhay ng tao hindi mo matatakbuhan lahat ng problema. Kahit saan ka magpunta kahit saan ka magtago magtatagpo at magtatagpo kayo. Paano kung ang taong matagal mong tinaguan at matagal kang hinanap ay matagpuan ka sa di inaasahang pagkakataon? Paa...