Richard's POV
Habang naghihiwa siya ng mga sahog ay hindi ko mapigilan na titigan siya mula dito sa likod niya nasa may bandang likod niya kasi ako kaya malaya ko siyang natititigan ang sexy sexy niya pa din talaga at mas lalo siyang gumanda gustong - gusto ko siyang yakapin mula sa likod at halikan sa medyo pawis na niyang batok Arrgg! I was craving to kiss her on her neck I just really love her scent so every time na maglalambing ako sakanya dati dun ko talaga siya hinahalikan though may kiliti siya dun..Napapangiti na lang ako sa pagbabalik tanaw na yun magawa ko pa kaya yun? Hmmm!
"Richard? Uyy! Ano tulala ka dyan? Patapos na ko di mo pa nasisimulan yan"
"Okay lang.saglit lang naman 'to"
"Asige ihahain ko na 'to para makakain na tayo..Masama ka pa lang malipasan ng gutom bukod sa natutulala napapangiti ka sa kawalan"
Natatawa ni Dawn asar sakin kung alam niya lang kung ano yung iniisip ko"Osige na. Lagay ko lang saglit sa freezer 'to"
Habang kumakain kami ay tinuloy na namin yung kwentuhan namin
"Alam mo ba na may nakalaban ako sa pageant na mukhang bakla akala ko pa nga that time Ms.Gay yung nasalihan ko hindi na man pala"
Ang saya-saya lang talaga niya habang nagkwe-kwento napapangiti
at natatawa talaga ko sa mga kwento niya minsan nga di ko na maintindihan yung kinukwento niya kasi nauuna yung tawa niya. Nakakahawa pa naman ang tawa niya."Talaga? Bakit ano bang 'itsura?"
"Naku! Wag mo ng tanungin di ko din makwe-kwento sayo ng maayos. Tsaka ayoko manglait 'noh"
Natawa naman ako dun"Ayaw mong manglait pero sabi mo mukhang bakla?"
"Kaya nga I mean ayoko na manglait"
Tawa pa din siya ng tawa I wonder kung ano 'itsura nung pinagtatawanan niyaAfter namin kumain nagpaalam na ko sakanya na aalis na ko since maaga pa naman 2:30pm pa lang kaya bumalik muna ako sa office... Mga 7pm bigla kong naisipan na magbar gusto ko magbar basta ang alam ko lang sobrang saya ko and I want to celebrate kaya tinawagan ko agad sina Migs
"Oh? Himala pare napatawag ka"
"Kita tayo sa bar ni Chris my treat"
"Wooaah! Goms ikaw ba yan? Akala ko ba ayaw mo ng pumunta ng bar?"
"Basta pumunta na lang kayo may maganda kong ibabalita"
"Osige sabi mo eh. How could I say no to Mr. Gomez?"
"Sira! Sige na I'm on my way"
"Okay bye Papa Goms! Hahaha"
Nag-iwan pa talaga ng matinding hagalpak na tawa bago ibaba Psh!Papasok na ko ng bar at pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ng bar natanaw ko agad sila kumpleto ako na lang ang kulang kaya pagkalapit ko sa table nila nagsitayuan sila ng nakangisi
"Hey! Bro anong nalanghap mong masamang hangin at pinapunta mo kami dito?"
Tatawa-tawang tanong sakin ni Mico ang pinakamapang-asar saming barkada"Kaya nga Bro ano ba yung sinasabi mong Magandang balita? Nakamove-on ka na? o Magpapakasal ka na?"
Sabay- sabay naman silang tumawa kaya binatukan ko si Migs siya kasi yung nagsabi nun
"Baliw! umupo nga muna kayo"
Kaya umupo muna kami at nagsimula ng magkwentuhan
"Hahaha! Ano ba kasi yun Bro at talagang pinapunta mo pa kami dito. Gaano ba kaimportante yan?" Mico
"SOBRA..Sobrang halaga"
"Bakit? Ano ba yun?"
"I found her!"
Masaya kong anunsyo sakanila at ang
reaksyon nila Gulat na gulat"Ha? Paano? Saan?"
Gulat pa rin'g tanong naman sakin ni Migs
"Remember naghahanap ako ng secretary? At ayun i didn't know na isa pala siya sa mga mag-aapply"
"Wow! Bro that's what you call Destiny 😂😂 So anong nangyari? Anong ginawa mo? Don't tell us sinunggaban mo siya agad?"
Tanong naman ni Rocky na ikinatawa ko..
"You can say that"
"Ano?"
Sabay- sabay nilang tanong sakin kaya natawa ko sa mga reakyon nila
"Umayos nga kayo..Para naman bago pa kayo sa---"
"Galawang Gomez.Iba ka talaga!
Sigaw sakin ni Migs"Grabe ka naman Bro, sinunggaban mo agad"
Bulong naman ni Mico"Bakit ano ba nangyari sainyo?" Migs
"Wala i just kiss her.. Yung lang ano bang iniisip niyo?"
"Akala namin nag--" Rocky
"Hooy! Tigilan niyo nga yan!"
"Sorry, akala lang namin iba na eh!" Migs
"Oh! Anong napag-usapan niyo?" Mico
"Tinanong ko siya kung may boyfriend na siya"
"Ano? Yun talaga tinanong mo? Interesting huh?"
Pang-aasar sakin ni Mico
"Bakit yun naman agad tinanong mo?" Migs
"Syempre! Para mabakuran na niya agad di ba Bro?"
Hirit naman ni Rocky"Pero okay lang kayo? Walang awkward moment nung magkasama kayo?" Migs
"Meron naman at hindi naman siguro mawawala yun pero nakakatuwa na kahit matagal kaming nagkahiwalay parang wala pa ring nagbago yung pagiging madaldal niya, yung pagtawa niya na nakakahawa, yung mga ngiti niya na nakaka--"
"Fall? Hahaha! Pare iba talaga tama mo kay Dawn"
Tawang-tawang asar ni Migs"Epal ka talaga Migs tumigil ka nga dyan ang daldal-daldal mo!"
"Hahaha! Pre naman kasi sa pagkwe-kwento mo parang may nagtwi-twinkle twinkle pa dyan sa mata mo"
"Gago! Tigilan niyo nga ko.. Tsaka alam niyo naman kung gaano ko kamahal si Dawn--"
"To the point na kahit walang kasiguraduhan na babalik siya o makikita mo ulit siya umaasa ka pa din"
Dugtong ni Mico na may seryoso ng aura huminga muna ako ng malalim bago sumagot
"Oo, Hindi ko alam kung bakit bigla na lang nawala yung galit ko sakanya nung na kita ko siya all I feel is longing and the love that still remain"
"Pero natanong mo na ba siya kung mahal ka pa niya?"
Humugot akong muli ng malalim na paghinga at napa-isip sa tanong ni Rocky
"Hindi pa eh! Hindi ko din alam kung ganon pa din yung nararamdaman niya para sakin"
Yung masaya kong aura napalitan ng lungkot paano nga kaya kung may mahal na siyang iba..
"Pero, Bro alam mo may solusyon ako dyan sa problema mo" Rocky
"Ano?"
Sabay-sabay nilang tanong
"Buntisin mo"
Humahalakhak niyang sabi kaya isa-isa naming binatukan si Rocky
"Sira ulo ka din talaga eh! 'noh kakikita pa lang namin ayan agad ang iniisip mo"
"Ito naman di na mabiro" Rocky
"Ang corny mo kasi Bro"
Singit ni Mico
Pagkatapos ng usapan namin na yun nagsimula na kaming mag-inuman Hindi naman ako nagpakalasing dahil may pasok pa bukas at bukas na din ang simula ni Dawn as my Secretary at excited na akong makita ulit siya...
BINABASA MO ANG
My Ex-Boyfriend Is My NEW BOSS (EDITING)
FanfictionSa buhay ng tao hindi mo matatakbuhan lahat ng problema. Kahit saan ka magpunta kahit saan ka magtago magtatagpo at magtatagpo kayo. Paano kung ang taong matagal mong tinaguan at matagal kang hinanap ay matagpuan ka sa di inaasahang pagkakataon? Paa...