Chapter 38

3.2K 86 9
                                    

Hi! Penguins out there 👋 I just want to plug a Chardawn story entitled "IN BETWEEN" written by my great friend @_darkblood

  *********************************

Dawn's POV

Nagsimula na si Richard paandarin ang sasakyan at napansin ko na nakabusangot at wala siyang imik kaya alam kong galit 'to.

"Richard. Uy! Galit ka ba?"

Mahinahon kong tanong sakanya kasabay ng paghawak ko sa kamay niya. Hindi naman siya umimik. Galit nga.

"Uy! Ano bang problema?"

Mahinahon ko pa ding sabi sakanya. Sinandal ko pa sa balikat niya ang ulo ko habang iniangkla ko pa sa braso niya ang isa kong kamay.

"Nagagalit ka ba?"

Hindi naman pa rin siya sumasagot.

"Baabe.. Pansinin mo na kooo.."

Huminga lang siya ng malalim at itinigil sa gilid ang kotse bago humarap sakin.

"Bakit ba kasi pinapayagan mo pang pumunta sa bahay yung Mike na yun?"

Naiinis niyang tanong sakin. Nginitian ko lang siya ng nang-aasar.

"Bakit?.... Nagseselos ka 'no?"

Inismiran niya lang ako bago sumagot.

"Oo. At sa susunod na makita ko ulit ang asungot na yun sa bahay mo. Humanda ka sakin"

Parang may mainit na gumuhit sa lalamunan ko kaya napalunok ako. Dahil sa pagkakasabi niya ng "Humanda ka sakinay pinasadahan niya ng tingin ang katawan ko na parang dinaluyan ng kuryente kaya agad akong nag-iwas ng tingin.

"A-ano bang pinagsasabi mo? Mag-drive ka na nga"

Pag-iiba ko ng usapan dahil nakatitig siya sakin. Bigla tuloy akong na-concious.

"Alam kong alam mo ang sinasabi ko o baka naman gusto mong sampolan kita dito sa loob ng kotse?"

Parang nang-iinis na sabi niya sakin.

"Na bitin din kasi ako kagabi alam mo na? May istorbong dumating"

Nakangising sabi niya. Teka? Napaka-bipolar talaga nito kanina galit tapos ngayon umandar ang kamanyakan.

"Hoy! Richard. 'Yang kamanyakan mo tigil-tigilan mo dahil naiinip na yung anak mo sa bahay ng Mommy mo!"

Naiinis kong Bulong sakanya.

"Alam mo.."

Bulong niya habang nilalapit sakin ang mukha niya.

"..ang hilig mong ibahin ang usapan eh"

Habang nilalapit niya ang mukha niya sakin ay atras naman ako ng atras hanggang sa wala na kong maatrasan at na-corner na niya ko.

Nginisihan niya naman ako na lalong nagpapalakas ng appeal niya.

"Ano? Nagwa-gwapohan ka na naman sakin?"

Bigla naman akong umiling at napakurap.

"H-hindi no! Yabang mo talaga! m-mag-drive ka na nga!"

Bulyaw ko sakanya at umayos na ko ng upo. Habang siya ay nakadungaw pa din sakin at ramdam na ramdam ko ang init ng hininga niya na tumatama sa bandang leeg ko.

"Alam mo wala namang mawawala kung aaminin mo sakin na nagwa-gwapohan ka din sakin"

Nang-aakit niyang Bulong sakin. Shemmms naman Richard.

My Ex-Boyfriend Is My NEW BOSS (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon