Richard's POV
Nanghina ako tama nga.. Siya nga.. Kaya una pa lang malaki na ang inis ko sa lalaking yun siya ang karibal ko kay Dawn siya ang isa sa mga balakid sa aming dalawa ni Dawn. Gusto kong magwala, gusto kong magbasag pero alam kong wala din namang magandang patutunguhan 'to kaya lalabas na lang muna ako iiinom ko na lang 'to magpapakalunod na lang muna ako sa alak para makalimot! Kahit ngayon lang.. Kahit ngayong gabi lang kaya agad akong tumayo ng kama
"Richard san ka pupunta?"
"Maghahanap ng babae. Bakit tutulungan mo ko?"
Sarcastic kong sabi sakanya sakitan na kung sakitan. Lumabas na ako ng kwarto at agad sumakay ng kotse papagabi na din naman kaya meron na naman sigurong bukas na bar dito. Nang makakita ako ng bar ay agad akong nagpark at pumasok... Hmmm! Maganda ang bar na'to ha mukhang lahat ng nandito mayayaman, umupo ako sa isang table at tumawag ng waiter
"3 order ng brandy yung pinakamatapang"
Order ko sa waiter..Agad namang dumating ang order ko.. Tinungga ko ka agad ang isang bote nakakarami na ako ng may biglang lumapit sakin
"Richard kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala"
Agad kong iniiwas ang braso ko sakanya hindi ko makita ang mukha ng babae dahil nanlalabo na ang mata ko
"Sino ka ba? Bitawan mo nga ako"
"Erik ako ito si Dawn"
Natawa naman ako.
"Si Dawn? Eh wala namang pakialam yun sakin eh.. Wala yung pakialam sakin kahit paulit-ulit niya kong nasasaktan.. Kahit yata ako umiiyak dito ng dugo hindi ako nun pupuntahan dito kaya paano ka magiging si Dawn?"
Dawn's POV
Pagkalabas ni Richard ay agad ko siyang sinundan mahirap na baka kung san siya mapunta.. Sinundan ko lang ang kotse niya hanggang magpark siya sa isang bar hindi agad ako bumaba ng kotse nagpalipas muna ako ng mahigit kalahating oras bago pumasok kaya pagpasok ko ay agad ko siyang hinanap malaki ang bar na ito kahit maaga pa ay marami ng nag-iinom at in fairness high class ang bar na pinuntahan ni Richard. Habang inii-ikot ko ang paningin ko ay sa wakas! Nakita ko din siya mukhang nakakarami na siya batay sa itsura niya at sa mukha niya na mamula-mula na.. Nalapitan ko na siya at tumabi sakanya natawa pa nga ko nung ayaw niyang maniwala na ako si Dawn. Napangiti pa ko ng mapakla nung sinabi niyang
"Si Dawn? Eh wala namang pakialam yun sakin eh.. Wala yung pakialam sakin kahit paulit-ulit niya kong nasasaktan.. Kahit yata ako umiiyak dito ng dugo hindi ako nun pupuntahan dito kaya paano ka magiging si Dawn ha?"
Ganun ba siya kagalit sakin dahil sobra ko na din kasi siyang nasasaktan.. Nagpatulong ako sa dalawang bouncer dito sa bar na buhatin siya dahil ang bigat niya sa laki ba naman nito hindi ko kakayanin na buhatin to.. Pagkapasok nila kay Richard sa kotse na ginamit ko ay nag-drive na ko. Habang nagda-drive ay bigla kong na isip na hindi ko pwedeng iuwi si Richard ng ganito dahil magtataka sina Tita at sina Roby Madami naman ditong hotel kaya sa hotel na lang muna kami magpapalipas ng gabi kesa magpaliwanag sakanila kung bakit naglasing ang lalaking 'to.. Habang nagda-drive ay sa wakas nakakita din ako ng hotel. Bago bumaba ay hinanap ko muna ang wallet niya wala kasi akong pera kaya sakanya ko kukuha ng pang check in namin. Habang kinakapa ko ang mga bulsa niya ay bigla na lang siyang nagising
"Wag! May asawa na ko. Anong gagawin mo?"
Pagpigil niya sakin
"Anong pinagsasabi mo? Tsaka sino ba sinasabi mong asawa mo eh ni-girlfriend nga wala ka asawa pa kaya?"
BINABASA MO ANG
My Ex-Boyfriend Is My NEW BOSS (EDITING)
FanfictionSa buhay ng tao hindi mo matatakbuhan lahat ng problema. Kahit saan ka magpunta kahit saan ka magtago magtatagpo at magtatagpo kayo. Paano kung ang taong matagal mong tinaguan at matagal kang hinanap ay matagpuan ka sa di inaasahang pagkakataon? Paa...