Chapter 24

3.4K 94 4
                                    

Richard's POV

Laking pasasalamat ko na naiwan ni Dawn ang cellphone niya sa may table na pinag-inuman namin nagkaron tuloy ako ng pagkakataon na makatabi siya sa kama. Ngayon nga ay nakahiga na kami at magkayakap kahit na ilang beses namin 'tong gawin hindi ako magsasawa kahit ganitong simpleng yakap lang masaya na ko.

napatigil ako sa pag-iisip ng marinig ko siyang nagha-hum, hindi ko alam kung pinagpatulog niya ba ko o kinakantahan. Bigla naman siyang umupo at ginawang unan ko ang mga binti niya.

"Hindi ka ba makatulog?"

Malambing niyang tanong. Tumango naman ako dahil hindi talaga ko makatulog, nahihilo kasi ako.

Nagsimula na naman siyang mag-hum at hinaplos haplos ang buhok ko na parang bata. Ang sarap nakakarelax para kong minamasahe sa ulo, ito ang isa sa mga namiss ko sakanya yung kapag hindi ako makatulog ginagawa niya sakin 'to and after a minutes hindi ko namalayan na nakatulog na pala ko.


KINABUKASAN

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko naramdaman ko din kasi na may humahaplos sa pisngi ko pupunta sa buhok ko at alam kong si Dawn yun kaya hindi ko pa man namumulat ang mata ko ay may ngiti na agad na pumalatak sa aking labi.

"Good Morning"

Bungad na pagbati niya sakin. Nginitian ko naman siya kahit na medyo masakit ang ulo ko dahil sa hangover.

"Alam kong masakit ang ulo mo kaya ipinagdala na kita dito ng pagkain at gamot para matanggal agad ang sakit ng ulo mo"

Hindi ko naman mapigilang mapangiti sa sinabi niya. Sobrang maalalahanin niya talaga at sweet!

"Thank you!"

Hinalikan ko siya sa pisngi na ikina-ngiti niya.

"Your Welcome!... Babe"

Masigla niyang sagot na lalong nagpalawak ng ngiti ko haaayy! Bakit ba sobrang ganda at sobrang sweet nito ngayong umaga? Hmmm?

"Tara na kain na tayo?"

Tumango lang naman ako at nilapag niya na sa kama ang umagahan namin. Simpleng bacon,egg at hotdogs lang naman yun pero na-enjoy namin ng sobra. Kung minsan ay sinusubuan ko siya at kung minsan naman ay ako ang sinusubuan niya sa mga simpleng gestures katulad 'nun ay masaya na ko.

Natapos kaming kumain na nagtatawanan.

"Augs una kang lumabas tingnan mo kung may tao o dadaan kapag wala tsaka ako lalabas"

Sinunod ko naman bago siya umalis ay binigyan niya pa ko ng matamis na halik.

Alas diyes na ng lumabas si Dawn ng kwarto nila na mukhang kakaligo lang. Lumilingon-lingon siya na para bang may hinahanap, tinaas niya pa ang shades niya nung nakita ako kaya tinaas ko din yung sakin at kinindatan siya mukha namang nakita niya dahil natawa siya at kahit malayo siya ay kitang kita ko ang maganda niyang ngiti.

Natuon ang atensyon niya ng may tumawag sakanya. Ayan na naman ang Ally na yan!. Nakita kong nilapitan niya si Dawn at hinila papunta sa... Papunta kina Vice kinawayan niya sina Vice at Camille.

 Dawn's POV

Natatawa ko ng si Richard ang una kong makita paglabas ng kwarto nakita ko kasing kinindatan niya ko at nagpapa-cute pa. Nawala lang ang atensyon ko sakanya ng may tumawag sakin, nakita ko na lang si Ally na tumatakbo palapit sakin at hinila ko kina Vice na nasa ilalim ng puno.

"Saan ka galing? Ba't ang aga mo lumabas ng kwarto kanina?" Camille

"Ahhh.... naglakad-lakad lang ako kanina.Nainip kasi ako"

My Ex-Boyfriend Is My NEW BOSS (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon