Chapter 27

3.2K 93 9
                                    

Stella's POV

Nagising ako na may mabangong yakap. Ang bango-bango naman ng unan ko pero bakit parang ang tigas-tigas? Napamulat ako at bigla kong naalala na magkatabi nga pala kaming Matulog ni Erik.

Napangiti ako ng bumungad ang mukha niya na mahimbing pang natutulog hindi ko mapigilang haplusin ang mukha niya hindi talaga nakakasawang titigan ang gwapo niyang mukha.

Habang inaalala ko ang nangyari kagabi ay hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa mga kapilyuhan at kalokohan niyang kinukwento.

"Love natutunaw ako.. Wag mo ko masyadong titigan"

Nakangisi niyang sabi kaya bigla naman akong nahiya.

"Biro lang! Gusto ko nga yung tinititigan mo ko eh"

"Mhhhhh! Umagang-umaga na naman 'yang mga banat mo!"

Tinawanan niya lang ako at niyakap ng mahigpit bago halikan sa noo.

"Anong gusto mong breakfast?"

"Hmmmm? Parang namiss ko yung tenderloin mo"

Nakangiti kong sagot sakanya.

"Yun lang?"

"Samahan mo na din ng sunny side up eggs"

"Okay. As you wish"

Bumangon na siya at pumunta sa closet para mag-boxer. Pagkalabas niya naman ng kwarto ay nag-shower na ako bago bumaba sa kitchen.

Umupo na ko habang hinahanda na niya ang pagkain namin. Bigla akong napaisip kung anong ipapalusot namin pagbalik sa mga katrabaho ko.
Pagkatapos niyang ihain ang mga pagkain ay nagsimula na kong magtanong sakanya.

"Richard anong ipapalusot natin kapag nagtanong yung mga---"

"Nasabi ko na kay Ryan na umuna na tayo sa Maynila dahil may biglaang appointment na hindi pwedeng i-cancel"

"Ha? Anong oras ang balik nila sa Maynila?"

"10 am"

"Eh tayo anong oras tayo uuwi?"

"Bakit atat na atat ka atang umuwi?"

"Namimiss ko na kasi si Gavin"

"Makikita mo naman na siya mamaya kaya sa ngayon wag mo muna siyang isipin this is our last day here so let's enjoy"

Tinanguan ko na lang siya.
Makalipas ang ilang oras ay bumalik na kami sa resort para ayusin ang mga gamit namin excited na nga akong umuwi. Gustong-gusto ko ng makita si Gavin. Mabilis kaming nakadating sa bahay nina Tita

"Mommy! Daddy!!!!"

Masiglang sigaw ni Gavin at sinalubong kami ni Richard.

"Hello baby!"

Binuhat siya ni Richard at niyakap si Gavin ng mahigpit.

"Namiss ko po kayo ni Mommy!"

"Eh bakit si Daddy lang ang niyayakap mo?"

Kunwaring nagtatampo kong tanong sakanya. Agad naman siyang nagpababa kay Richard.

"Syempre namiss ko din po kayo Mommy"

Kumarga naman agad sakin si Gavin at niyakap ako ng pagka-higpit higpit. Tinadtad ko naman siya ng halik sa mukha niya. Sobrang namiss ko talaga 'tong gwapo kong baby.

"Mommy tama na po. Nagseselos na po so Daddy oh!"

Bigla akong napatingin kay Richard na nakatitig pala saming dalawa, ganon din sina Tita at Tito na nakatingin samin habang nakangiti hindi ko napansin na nakalapit na pala samin.

My Ex-Boyfriend Is My NEW BOSS (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon