Dawn's POV
"So let's start the interview"
Nakangiti niyang sabi sakin.. Jusko! Ang gwapo pa din niya mas lalo siyang gumwapo kung matanggap ako dito at ganito ang makikita ko palagi baka hindi ako makapagtraho ng mabut--
"Ms. Fernandez are you Okay? Bakit ngumingiti ka? May dumi ba ko sa mukha?"
Putol niyang tanong sa pag iisip ko.My Gaaad! nahuli niya kong nakatulala at nakatitig sakanya and worst nakangiti pa! nakakahiya!!!
" A-hhhm Hehe! Pasensya na po Sir kinakabahan lang"
Nahihiya kong sagot
"Okay, So why I should hire you? "
"Ka--sii... Because.. Ahh-no.."
"Pwede ba, wag ka ngang kabahan para namang 1st time mo kong maka-usap.. Relax okay? "
Pagpapakalma niya sakin with matching hawak kamay pa. Nagtataka man ako sa ikinikilos niya ay hindi ko na lang pinansin. Baka kasi naka-move on na siya kaya wala na lang sakanya ang nakaraan. Kaya mabalik tayo sa pagpapakalma niya sakin naku!! Kung di ko lang 'to magiging Boss (kung papalarin) iisipin kong chumachansing sakin 'to kaya lang Boss ko nga siya kaya baka gusto niya lang nga kong pakalmahin.
"Salamat Sir--"
"You know what? let's end this--"
"Naku! Sir saglit lang hindi ko pa po nasasagot yung tanong niyo--"
Bigla siyang tumawa.
"Gusto mo talaga sagutin yung tanong ko?"
Tumango lang ako bilang sagot.
"Okay then, I'll change the question para maiba naman lagyan natin ng twist"
Pagkasabi niya ' nun ay may mapaglarong ngiting rumehistro sa labi niya. That luscious lips nakakarupok.. este nakakainis panigurado pagtri-tripan lang ako nito.Hah! As if naman na magpapatalo ako sakanya.
"Sige po Sir, ano po ba yun?"
At sa pangalawang pagkakataon ngumiti na naman siya ng ganun
"May Boyfriend ka na ba?"
Usyusero niyang tanong. Ka-lalaking tao chismoso
"Oo naman po.."
Richard's POV
Hindi na ako nagtaka nung sinagot niya yung tanong ko ng "OO" Sabagay sa ganda niyang yan hindi na nakakapagtaka kung may boyfriend siya at maraming nakapilang manliligaw sakanya pero may SELOS akong naramdaman dun sa sagot niya ang tagal kong naghintay at nagpigil dahil sakanya naging Single ako ng 4 years! Mas pinili kong mamuhay na mag-isa kesa palitan siya dahil wala na kong babaeng mahanap na pwedeng pumalit sakanya.
"Syempre madami po akong Kaibigang lalaki"
Sunod na sagot niya hindi ko alam bigla na lang may nagkagulo sa bandang dibdib ko at napangiti ako.
"Really? That's Great! "
yung selos at lungkot ko eh nabawi din agad.
"Ha? Bakit Sir may policy po ba dito sa kompanya ninyo na Bawal mag Boyfriend?"
Sarcastic niyang tanong Tsk!
"Pwede naman... Pero kung ikaw "BAWAL"
Nagtataka naman niya kong tinignan
"So, ibig sabihin po ba 'nun tanggap na ko? "
Nakangiti niyang tanong sakin..Ha! Kahit kelan talaga napaka - sigurista ng babaeng 'to akala niya maiisahan niya ko.
BINABASA MO ANG
My Ex-Boyfriend Is My NEW BOSS (EDITING)
FanfictionSa buhay ng tao hindi mo matatakbuhan lahat ng problema. Kahit saan ka magpunta kahit saan ka magtago magtatagpo at magtatagpo kayo. Paano kung ang taong matagal mong tinaguan at matagal kang hinanap ay matagpuan ka sa di inaasahang pagkakataon? Paa...