Chapter 25

3.4K 92 0
                                    

Dawn's POV

Nagmamadali akong lumabas ng kwarto at iniwan ko si Richard. Dere-deretso akong pumunta sa mga taong nagkakamuya at nagkakagulo.
Nang makita ko sina Vice ay agad ko silang nilapitan.

"Uyy! Pasama naman ako sa inyo"

"Halika na girl! San ka na naman ba kasi nagpunta?" Camille

"May kinausap lang"

Inabot samin ang life vest at isinuot na namin at dahil magkadikit ang banana boat na sinakyan namin ay twelve kami lahat na nakasakay. Napalingon ako ng may nagtanong sa likod namin kung meron pa. Kaagad tumayo ang nasa katapat ko at dun pinaupo ang lalaking VIP. Bigla naman akong napa-aray ng kurutin ako ni Vice na nasa likod ko. Nasa bandang gitna kasi kami ang nasa harap ko ay si Camille at ang nasa likod ko ay si Vice.

"Girl!!! Si Sir Richard katapat mo!!"

Kinikilig-kilig niyang bulong sakin kaya napalingon ako sa katapat ko at tama si Vice si Richard nga ang katapat ko.

"Hi! Guys! Okay lang bang makisama ko?"

"Naku! Okay na okay lang po Sir!!"

Malanding sagot ni Vice sa likod ko na ikinatawa ni Richard.

"Okay na po Sir?"

"Yeap!"

"Okay! Hold on everyone!"

Sigaw nung nasa harap na nakasakay sa speed boat.
Sigaw ng sigaw si Vice at Camille sa saya actually lahat sila sumisigaw dahil nga nage-enjoy sila nilingon ko si Richard na may malaking ngiti sa labi habang nakatingin sakin, kinindatan pa ko na mas ikinalaki ng ngiti ko. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong napasigaw.

"Woooohh!! Waaaaahhh!!!"

Bigla akong tinapik ni Vice at binulungan.

"Uy! Girl tapos na. Ano? LR lang?"

Natatawang sabi ni Vice na ikinapula ng pisngi ko dahil nagsisibabaan na ang mga kasama namin at nakatingin samin si Richard.

"Ahhh. Sir pasensya na po medyo nasapian po ata 'tong kaibigan namin."

Nahihiyang sabi ni Vice kay Richard.  Natawa naman si Richard sa sinabi ni Vice lalo na nung tanungin ako ni Vice na

"Uminom ka ba ng gamot mo? Sinasabi ko naman sayo wag mong kakalimutan inumin---"

"Tama na nga Vice nakakahiya kay Sir. Halika na!"

At hinila ko na siya pababa ng banana boat.

Lumipas ang maghapon at alas singko na ng hapon. Naisipan kong lumabas nagtataka naman ako na walang nasa labas ni isa...... Ay meron pala si Richard nasa ilalim siya ng coconut tree nakaupo sa pinutol na puno ng buko na nakahiga. Nilapitan ko siya at tinakpan ang mata.

"I know who you are.. I can smell your sweet fragrance"

Hinawakan niya ang kamay ko na na nakatakip sa mata niya at dinala pababa sa labi niya para halikan.
Nakatayo pa rin ako sa likod niya.

"Ang ganda talaga ng kamay mo, ang bango na ang puti pa"

Bulong niya na tama lang para marinig ko. Hinila niya ng husto ang kamay ko dahilan para ma-back hug ko siya. Habang nakayakap ako sa likod niya ay Inamoy-amoy ko ang buhok niya na napaka-manly.
Tinanggal niya ang kamay ko na nakayakap sakanya at tumayo siya, hinarap niya ko na nakangiti at hinila niya ko papunta sa pang-pang. Nandun na naghihintay ang jet ski na sinakyan namin kahapon lang.

"We will go to our paradise"

Nginitian ko lang siya at sumakay na din. Habang nakasakay ay ninanamnam ko ang malamyos na pagdampi ng hangin sa aking balat.
Nang makarating kami sa bahay ay hinila niya ko sa dining area na maraming laman na pagkain.

My Ex-Boyfriend Is My NEW BOSS (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon