Chapter 10

5.2K 122 8
                                    

Richard's POV

Pauwi na kami at habang nasa biyahe ay nagsimula na naman si Gavin dumaldal.

"Mommy pag-uwi po ba natin ihahatid mo na ulit ako kina Tita Alice?"

Tanong ni Gavin napakunot naman ang noo ko sa Tanong niya na yun

"Kay Alice mo siya iniiwan?"

"Oo wala kasi siyang trabaho at sa bahay lang siya kasama yung anak niya kaya nakisuyo ako na sakanila na muna si Gavin habang nasa trabaho ako at pumayag naman si Alice para daw may kalaro ang anak niya"

"Ahh-hh sinong napangasawa ni Alice?"

"Italiano, Gwapo, Mabait nakilala namin nung nagbakasyon kami sa Paris"

"Oh? Swerte ni Alice ah! Ilang taon na yung anak niya?"

"3yrs old.. Ang ganda nga eh halatang-halata na may ibang lahi dahil sa kutis at mata"

"Hmmm! I wanted to meet that little girl"

"Naku! Ang bibo"

Napangiti naman ako

"Sa pagkwe-kwento mo pa lang gilw na giliw ka na ah! what about mag-anak na ka na ulit? Let's give it a try, Para naman may makalaro na si Gavin"

Nakangisi kong sabi sakanya.

"Eh kung tinatadyakan ko kaya 'yang ANO mo ha!"

  Tumawa lang ako sa reaksyon niya gigil na gigil eh

"Dawn hindi na tayo bumabata hindi ba sabi mo sa akin noon gusto mong magkaroon ng tatlong anak? Oh! Eh iisa pa lang si Gavin"

"Dati yun... Dati nung hindi ko pa nararanasan ang pagbubuntis at panganganak"

"Alam kong mahirap.. Kasi wala ako dun walang nag-aalaga sayo na dapat ako ang gumagawa.. And this time sisiguraduhin kong kasama mo na ko"

Sinulyapan ko si Dawn at hinawakan sa kamay.. Agad niya naman iniiwas ang kamay niya at nagsalita

"Tama na Richard, pinagbigyan lang kita nung nasa Batangas tayo hahayaan naman kitang dalawin si Gavin pero hanggang dun lang yun"

Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig dun akala ko okay na akala ko okay kami hindi pala... Buong biyahe tahimik lang kami mabuti na lang pala at tulog si Gavin noong nag-uusap kami kaya hindi niya narinig yung pinag-uusapan namin pero hindi ako panghihinaan ng loob kailangan ko siyang mapasama sa bahay ko at si Gavin lang ang pwede kong idahilan..



Dawn's POV

Nasa tapat na kami ng bahay ng magising si Gavin agad naman siyang lumabas ng kotse kaya bumaba ako agad

"Gavin, dahan-dahan"

"Opo Mommy, Daddy bilis! Halika na"

  Yaya ni Gavin kay Richard

"Oo ito na---"

"Dawn"

  Napalingon ako sa tumawag sakin at napangiti ako nung nakita ko kung sino yun

"Mike!"

Lumapit ako sakanya at niyakap ko siya matagal-tagal din kaming hindi nagkita eh

"Namiss kita! Kainis ka! Kelan ka pa bumalik?"

"Nung isang araw lang"

"Mommy si--- Tito Gwapo?"

  Singit ni Gavin sa pag-uusap namin ni Mike.. Tumakbo palapit samin si Gavin at yumakap kay Mike

My Ex-Boyfriend Is My NEW BOSS (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon