Pero hindi eh si Sir lang ‘to sigurado ako. Buti pala nagreply ako baka inisin pako nun bukas sabihin ang sungit sungit ko. Pero teka, Dan? Kailangan pinapaganda pa yung pangalan niya?
What’s with Dan at ayaw pa ng Daniel? Okay fine. Pabagets ang peg ni Sir. At gusto ako talagang pagtripan tinatanong pa pangalan ko. Sige sige. Pasalamat ka naka unli ako ng 1week at same tayo ng network!hehe.
To: Dan
“I am Karen. Taga BSU ka ba?”
From: Dan
“Oo, BSU ako. Ikaw din ba? Ilang taon ka na? saka anong course mo?”
Ay hala! Tinototoo niya ang panttrip saken. Yung totoo anong problema ni Sir? Walang magawa sa buhay? Infairness ang bilis nya magreply. Parang bihira sa majjonders ang mabilis magreply ah. Hehe
To: Dan
“Oo ECE ako sa BSU. 18 ako, ikaw? Anong course mo?”
At dahil medyo tumagal ang reply nya..
ZzzzZZZ……
Nakatulog na pala ako.hoho.
Malamang, haggard na haggard kaya ako sa araw na ito. I’m super pagoda!
WAAAHHH!!!
Omaygulay! Hindi nag alarm ang phone ko! 7AM na. 8AM ng pasok ko!
Buti nalang malapit ang bahay ko sa school kaya alam ko aabot padin ako ng 8AM at saka sasabay ako kay ate. Hihi.
Si Ate ay librarian sa school. IT library in particular. 8AM ang pasok nya kaya kailangan ko ng bilisan maligo. Dahil 7:40 aalis na sya.
Pagdating sa school, unang subject ay Analytic Geometry. Kailangan gising na gising ang diwa ko. Madibdibang Math ito.
Ngayon ko lang na check yung messages sa inbox ng phone ko. Malamang kasi nung nakita ko yung oras kumaripas nako sa pag gayak para hindi ako ma late. Pero…
Shems!!! 20 text messages? Puro galing kay Dan. Mula sa“Goodnight”, hanggang sa “Goodmorning” na kaka receive ko lang ng 6:30 AM. Yung totoo? Natutulog ba ‘tong taong ‘to?
Lakas talaga ng trip ni Sir. Nakakasora na’ to the highest level!
Kristel: “Mare, bat kanina ka pa tingin ng tingin sa phone mo? Bad mood ka ata? Anyareh?”
Leng: “Oo nga mare, ano ba ang dahilan ng busangot mong mukha?”
“Eh kasi mga mare, may nagtext sakin kagabi. Dan daw pangalan. Si Sir Crisostomo lang yun diba? Siya lang naman ang kumuha ng number ko. Tapos Dan pa talaga ang gamit ng lolo mo. Pabagets pa. Kailan niya pa naging nickname yun? Saka pinagttripan niya pa ako. Tinatanong age ko, school ko..blah blah. Heller?? Ano ‘to textmate? Sabi ko na nga ba may saltik yung prof natin na yun eh.”
Kristel: “Wow ha? Nakikipagtextmate si Sir. Talaga naman. Type na type ka mare. Ganda kasi ng mare ko oh!!!”
“Hoy Maria Kristel, tigilan mo nga ako. Kokomprontahin ko si Sir mamaya. Kala naman niya nakakatuwa siya. Gusto niya atang masampolan ng kasungitan ko.”
Natigil nalang kmi sa pagkkwentuhan kasi yung prof namin ay terror. Malalagot kami kapag nakita kami nagkkwentuhan. For sure pagssolve-in kami ng problem sa board at mapapahiya lang kami kapag hindi nakasagot.
BINABASA MO ANG
For DEE (based on a true story)
Non-FictionSeven years ago, I wrote a letter for him including the lines of this song that would best describe how I feel for him.. Who knows how long I've loved you You know I love you still Will I wait a lonely lifetime? If you want me to, I will Love you fo...