Kinabukasan ay kuhanan na ng classcards namin. Nandito kami ngayon sa study area sa third floor ng Engineering Building. Kasama ko si Kristel at Leng at kinkwento ko sakanila na nagbreak na kami ni Dan.
Kristel: “Mare, kasalanan mo naman pala, bakit hindi ka makipagbalikan?”
Leng: “Oo nga mare, kausapin mo kaya siya. Baka naman nabigla lang siya.”
“Hindi na mga mare, mukhang matagal niya na yun pinagisipan eh. Mukhang hindi na kami magkakabalikan. Saka siya ang nakipaghiwalay bakit ako ang makikipagbalikan sakanya.”
Leng: “Hindi nakakain ang pride mare.”
“Hindi naman yun ganun kadali eh. Iniwan na naman niya ako sa pangalawang pagkakataon. Kahit kasalanan ko pa, may kasalanan din naman siya. At mali na sumuko siya agad. Tama na, wag na nating pagusapan 'to please.”
Kristel: "Osige na mare wag na nating pagusapan naiiyak ka na. Magiging maayos din ang lahat."
At dahil hindi ko na napigil ang pag iyak, yumuko nalang ako sa mesa at niyakap ang bag ko. Dahan dahan kong pinupunasan ang mga luha ko para walang makakitang iba. Kailangan kong maging okay. Makakayanan ko din ang lahat.
Maya maya pa, may narinig ako na kumausap kina Leng. Kilala ko ang boses na yun at hindi ako pwedeng magkamali.
David: “Ano'ng nangyari sakanya?”
Kristel: “Ayan umiiyak, nagbreak sila ni Dan eh.”
Tumingala ako para tignan si David, pero hindi na ako nakapagsalita kasi bigla nalang siya nagdabog. Tumalikod siya, akmang hahakbang palayo pero humarap siya ulit at masama ang tingin sakin.
David: “Sus! Umiiyak ka ngayon. Sino ba kasing may sabi na mag boyfriend ka huh?”
HUH? Problema non? Oo crush ko siya at alam niya yun matagal na bago ko pa makilala si Dan. Pero bakit ang weird ng reaksyon niya? Hindi ko ma gets. Imbis na aluin ako parang pinapagalitan pa ako. Sisihin ba ko? Alam ko namang kasalanan ko eh hindi na kailangan pang ipamukha pa. Tss.
Kristel: “Hala mare, nagseselos si David.”
Leng: “Oo nga mare, diba MU kayo dati niyan?”
“Gaga! Anong MU? Crush ko siya dati pero wala kaming pagkakaunawaan. Kasi ako lang may crush sakanya pero ako hindi niya gusto dahil kahit minsan hindi niya sinabi sakin.”
Kristel: “Hindi nga niya sinabi, pero pinapakita niya sa’yo at sa aming lahat dati pa. Tanga-tangahan ka rin eh noh?”
“Huwag niyo na nga lang pansinin yang si David, ganyan lang talaga yan baka me topak lang kaya ganun. Ayaw ko ng mag isip at nasstress ako lalo. Hays.”
Tinext ko si Fervie para kuhanin ang number ni MJ, binura ko kasi yung number niya noon kasi ayaw nga ni Dan na magkatext pa kami pero dahil kailangan ko siya ngayon kailangan ko siyang makausap. I know he can make me feel better.
To: MJ
“Kuya..”
Mabilis naman siyang nagreply sa akin.
From: MJ
“Yes ate. Na miss kita. Kamusta?”
To: MJ
“Na miss din kita kuya. Ok naman ako, ikaw?”
BINABASA MO ANG
For DEE (based on a true story)
Документальная прозаSeven years ago, I wrote a letter for him including the lines of this song that would best describe how I feel for him.. Who knows how long I've loved you You know I love you still Will I wait a lonely lifetime? If you want me to, I will Love you fo...