December na.
My favorite month of the year. Bukod kasi sa Holidays, one week lang kami magkklase for the whole month. Yung second week kasi ay Foundation Week sa school.
Hindi naman kasi kami nagpaparticipate ni Dan kapag Foundation Week so most of the time ay kasama lang namin ang friends ko, or friends nya, pero mas madalas na kaming dalawa lang ang magkasama. Alam niyo na, ang tamad niya kasi tumambay a school pero kapag inuman sipag na sipag. Sunog-baga lang ang peg?
Hindi mahilig mag mall si Dan, gusto niya pupunta lang kami pag may bibilhin lang talaga or manonood ng movie. Ayaw niya daw ng maraming tao nahihilo siya. Iba naman kasi yung nahihilo sa dami ng tao sa nagdadahilan lang kasi tinatamad. Chosero nito. Alam na alam ko na yun hindi niya ako mauuto kala niya. Dahil may bibilhin naman ako talaga eh napapayag ko naman siya mag mall ngayon.
“Asawa ko, kain muna tayo nagugutom na ako eh. Saka ang sakit na ng paa ko kanina pa tayo naglalakad.”
“Sus, pag nag bbasketball hindi napapagod pero pag nag mmall pagod agad?”
“Iba naman kasi yun noh. Pero gutom nako talaga. Kain tayo, gusto ko sa KFC.”
“Asus, kawawa naman asawa ko gutom na. Tara na nga, kain na tayo.”
Pagdating namin sa KFC naghanap na ako ng pwesto at siya na ang umorder. Pagbalik niya, nagulat ako ang daming pagkain.
“Wow, anong meron? Bakit ang daming kanin? 4 yung extra rice mo?”
“Oo bakit? Sabi ko naman sa’yo nagugutom ako talaga eh. Saka favorite ko kaya chicken dito.hehe”
“Takaw mo talaga! Pero buti yan, magpataba ka asawa ko. Na iinsecure ako sa kapayatan mo eh.”
“Taba ko na kaya oh. Pano lagi mo ako pinapakain. Nagagalit ka kapag hindi ako kumakain ng breakfast, saka hanggang hindi ako makahinga sa busog hindi mo ako tatantanan. Tignan mo asawa ko, laki na ng tiyan ko wala na yung abs ko.”
Infairness naman, tumaba talaga siya. Haha Pero hindi pa din ganun kataba, sakto lang sakanya atleast hindi na siya payatot. Mas bagay sakanya yung ganyang katawan. Mala Adonis. Char!
“Abs mo mukha mo, wala ka naman talaga nun. Lakas mangarap eh?”
“Gwapo naman! Sandali kukuha lang ako ng gravy.”
Habang kumukuha siya ng gravy ako naman eh nagsimula ng kumain. Nakakagutom naman talaga maglakad. Pero hindi ako mag eextra rice promise. Diet diet din.
Pagbalik ni Dan. Nagulat na naman ako sa dala niya.
“Grabe, parang gravy na nilagyan ng kanin ah. Hindi ka ba mauumay niyan? Parang naging sinigang na yung fried chicken mo.”
“Pampagana yan kumain, cho! Para maubos ko yung 4 ko pang extra rice.hehe”
Grabe lang, hindi niya na alam ang salitang umay.Geez! Kinikilabutan ako sakanya eh. Pero nakakatuwa talaga siyang tignan kapag kumakain ng marami parang PG pero siya na ang pinaka cute na PG na nakita ko. Mehehe. Inlove na inlove lang?
“Nga pala, magpapasko na. Simbang gabi tayo ha.”
“Sige. Pero dun tayo samin ha?”, aniya.
“Eh ayoko nga, samin nalang tayo. Baka hindi ako payagan nila Mommy eh.”
“Ipagpapa alam kita. Sunduin kita sa inyo.”
BINABASA MO ANG
For DEE (based on a true story)
Non-FictionSeven years ago, I wrote a letter for him including the lines of this song that would best describe how I feel for him.. Who knows how long I've loved you You know I love you still Will I wait a lonely lifetime? If you want me to, I will Love you fo...