Months have passed.
It’s January na.
Yung unang pasko namin bilang mag asawa ay masaya. Kasama ang buo naming pamilya, ganyan namin ni spend ang pasko at bagong taon. Masaya ang lahat kasi excited na sila sa pagdating ng mga apo nila. Yes, mga apo kasi buntis din si Ate. Si Heaven ay magiging 3months older sa baby ni Ate. Biruin niyo yun, dalawang bagong miyembro agad ng pamilya ang aasahan namin dumating sa taon na ito. Dalawang batang magbibigay ng dagdag kasiyahan sa aming lahat.
Si Heaven, sobrang likot niya na. Kilos siya ng kilos tuwing nagugutom ako at sobrang busog. Kakaibang saya yung nararamdaman namin ni Dan sa tuwing kumikilos siya.
Naalala ko pa nga nung simbang gabi. Sa Bulihan kasi ay nagsisindi ng mga kwitis bukod sa pagpapatunog ng kampana para manggising ng mga magsisimba. Nung minsan ay nagulat ako sa putok ng kwitis, si Heaven ay gulat na gulat rin.
5months na siya. Nung last ultrasound ko nung December ay hindi pa nakita ang gender niya kasi nakatakip ag legs niya. Pa-suspense pa siya sa kung boy ba siya o girl. Malakas talaga ang pakiramdam ko na lalaki siya eh.
January 6, 2008.
Nandito kami ni Dan ngayon sakanila, nakahiga sa kwarto dahil kakatapos lang namin kumain ng hapunan. Busog na busog ako pero pakiramdam ko may kakaiba.
“Swit, alam mo ba napansin ko. Hindi masyado kumikilos si Heaven mula kahapon. Normal kaya yun?”
“Hindi ko alam, Swit eh. Obserbahan mo hanggang bukas. Kailan ba ang schedule ng check up mo?”
“Sa Wednesday pa eh. Nag aalala lang kasi ako, baka mamaya kung ano na’to.”
“Bukas, Swit. Kapag hindi parin normal ang pagkilos niya magpunta na tayo sa doctor, okay?”
Kinabukasan, ganoon parin ang sitwasyon. Pumasok pa ako sa school pero since maaga natapos ang klase ko ay sa bahay namin ako umuwi.
Kumkain kami ng merienda ng iopen ko ang topic kay Mommy.
“Mommy, napansin ko hindi masyadong gumagalaw si Heaven mula nung isang araw. Normal ba yun?”
“Ha? Naku, hindi normal yun. Dapat consistent ang paggalaw niya. Wala ka bang kakaibang nararamdaman?”
“Wala naman ako kakaiba nararamdaman. Wala namang masakit. Pero yun nga ang napansin ko, hindi siya masyadong malikot eh.”
“Magpunta tayo sa doctor mo ngayon na. Dapat sinabi mo agad sakin yan para macheckup ka. Alam ba yan ni Dan?”
“Oo mommy. Sinabi ko sakanya kahapon. Sabi niya sakin iobserve ko daw muna, kapag ganun parin saka kami magpapacheckup. Sa Wednesday naman eh checkup ko na eh.”
“Hindi na natin hihintayin ang Miyerkules. Pacheckup na tayo. Tatawagan ko ang ate mo para samahan tayo sa clinic mamayang uwian niya.”
Kinabahan naman ako sa sinabi ni Mommy na hindi daw normal yun. Parang super worried siya. Natense ako bigla. Tinext ko si Dan para sabihin na sasamahan na ako ni Mommy at Ate na magpacheckup dahil yung class nya ay hanggang 7PM pa.
Pagdating namin sa clinic, hindi ako mapakali sa kakaisip kung ano na ang lagay ng anak ko. Gusto ko ng umiyak sa kaba pero kailangan ko itago ang nararamadaman ko kasi kasama ko sila Mommy at Ate. Pero hindi maalis sa mukha ko ang pagkabahala.
Nung ako na ang i-chcheck up. Inultrasound ako agad ni Dra. Grace. At dahil hindi naman ako sanay tumingin sa kundisyon ng bata sa pamamagitan lang ng pagtingin sa monitor eh kinakabahan ako sa sasabihin ni doctora sa akin.
BINABASA MO ANG
For DEE (based on a true story)
Non-FictionSeven years ago, I wrote a letter for him including the lines of this song that would best describe how I feel for him.. Who knows how long I've loved you You know I love you still Will I wait a lonely lifetime? If you want me to, I will Love you fo...