Chapter 17 Ü

332 1 0
                                    

Nung nagkabalikan kami ni Dan, mas naging okay kami. Less away, mas sweet. Ganun naman talaga, yung mga pagsubok yun din ang humuhubog sa mas matatag na relasyon. You learn and you grow. It’s worth all the pain after all.

Hindi pa tapos ang liga na sinalihan ni Dan sa Bulihan kaya naman nakanood pa ako. Kasama ko syempre si Siena manood ng game habang si Tito Ding naman ang coach nila. Si Siena ang katulong ko sa pagtili kasama ang mga pinsan niya – sina Karissa, Maan at Trixie. Sila din ang katulong ko sa pag-irap sa mga fans ni Dan na babae na OA maka cheer. Hindi kami nagpatalo sakanila dahil kami pa rin ang mas malakas tumili.Haha

Yung team nila Dan na Domsal ay ang nag-Champion. Syempre ineexpect ko na yun, pero hindi naging madali ang laban kasi magagaling ang mga basketball players sakanila. Lagi kasi silang nakakapagpractice tuwing Linggo dahil covered ang court nila kaya marami ding dumadayo para maglaro.

At dahil tapos na ang bakasyon, simula na naman ng klase. Fourth year na ako, third year na si Dan. Hindi na niya ka batch sila Kiko at Abel dahil nga naiwan na siya ng isang taon kaya bago na ang mga magiging classmates at friends niya.

First week of June na, na eexcite na ako sa anniversary namin. Sinubok na kami agad ng maraming problema sa loob ng isang taon lang pero nandito parin kami at magkasama. Our love for each other is greater than those problems. Eeeeh?? Ang keso nomon!

What should I expect ngayong anniversary na namin eh? Syempre wala. Nung sinurprise ako niya ako nung birthday ko, baka una at huli na yun kaya hindi na ako mag eexpect. Chos!

Nag date lang kami sa araw na yun - June 5. Kumain sa labas at nag movie. Happy naman na ako dun. Ang mahalaga naman ay magkasama kami : )

Kinabukasan, sinundo ako ni Dan kasi pupunta kami sakanila pero kinailangan namin dumerecho sa tindahan nila Tita Elvie para bumili ng lunch. Wala kasi ang mommy nya kaya hindi nakapagluto. Dapat ngayon ang anniversary namin kasi June 6 naman talaga kami nagkabalikan, kaya lang nagdecide parin kami na 5 parin ang monthsary (back to Chapter 6).

“Kumain ka na ulit ng marami ha? Namayat ka na naman kakabasketball mo nung summer. Sayang yung pagpapataba ko sa’yo nung Holidays. Na burn mo na ulit lahat.”

“Tataba na ako ulit tiyak yun. Hindi mo na naman ako tatantanan ng pagpapakain eh. Hangga’t hindi ako sumusuka hindi ka maglulubay.”

“Syempre, maghahanda ka pa kasi mag i-Intrams na oh. Mamamayat ka lalo kapag hindi ka nagkain ngayon.”

Pagdating namin sa tindahan bumili kami ng 2 order ng ulam yung kanin sa bahay nalang, aalis na sana kami pero nakita ni Dan ang apo ni Tita Elvie na si Pia. Kinder palang yata ang bata pero napaka cute, ang cute pa mag smile may dimples.

“Huy Pia, panget!”

Sigaw ni Dan kay Pia at bumelat pa. Loko talaga ‘to eh ang lakas mambully pati ba naman bata.

“Ikaw panget Kuya Dan. Eto ka oh!!!!”

Nagulat ako sa ginawa ni Pia. Nag dirty finger lang naman siya kay Dan!

Pambihirang bata ‘to. Alam na ang ganung bagay.

“Hala, nag dirty finger ang bata! Ikaw ba ang nagturo jan huh?”

Tinignan ko ng masama si Dan.

“Oy, wala ako kinalaman jan. Mga Tito niya ang nagturo jan hindi ako. Sige na Pia panget, babay!”

“Kala ko ikaw na naman eh. Bye Pia.”

Nag wave lang ng kamay si Pia at nag smile. Super cute smile. Naglalakad na kami pabalik sakanila pero may tumawag sakanya sa malayo at papalapit sa amin.

For DEE (based on a true story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon