Chapter 3 Ü

438 3 2
                                    

Kinabukasan parang hindi ako mapakali. Bakit ganewn? Hindi naman ito ang unang beses na makikipag meet ako. Bakit ba kasi ako nattense? Dahil ba iniisip ko na baka hindi nya ako magustuhan? Baka hindi ako maging maganda sa paningin nya?

Aish! Ano ba, ang advance naman ng isip ko eh. Lalo ako kinakabahan sa pag-iisip. Bahala na nga. Speaking , nagtext na ang mokong.

From: Dan

“Goodmorning. : )  Ingat ka pagpasok ha? Excited na akong makita ka! : ) ”

Enudaw? Sabaw! Bakit siya eh excited? Ni hindi man lang kaya siya kinakabahan? Ako lang talaga?

Haist. *Hingang malalim. Kaya ko ito.

To: Dan

“Excited? Bakit? Wag ka masyadong ma excite kasi hindi naman ako maganda, hindi ba nabanggit ni Tato? Walang ka excite-excite sakin.hehe

From: Dan

“Sus,  pa humble ka pa. Saka kahit naman maganda o hindi. Okay lang. Ah basta wag mo na isipin yun. See you later. : ) ”

Ganyan talaga siya magtext. Laging may smiley. Sayang saya lagi si kuya eh. Pero ang lakas niyang maka good vibes infairness highness!

To: Dan

“Okay sige. Nga pala, wag ka magsasama ha? Mahihiya ako.hehe”

From: Dan

“Oo naman. Ikaw din ha, wag ka magsasama. Para hindi tayo mailang : ) ”

To: Dan

“Ok cge. See you later. Ingat ka din pagpasok. : ) ”

From: Dan

“Thanks : )  Kumain ka na ba? Mag breakfast ka muna ha? ‘Wag papalipas ng gutom.”

 Shems! Bakit ba may kilig? Haha. Kalurks naman.

To: Dan

“Naku sa school nalang. Ma llate na ako eh.hehe Ikaw din kain na.”

From: Dan

“Hehe. Sa school na din ako. Late na din ako. Oh pano, ligo muna ako. Mamaya ha?”

May kakulitan din ‘tong taglay eh noh. Paulit ulit? Hindi na nga ako magrreply.haha Umaarte lang.hihi

Nandito kami ngayon sa may puno ng mangga sa Integ Bldg sa pagitan ng mga photocopying machines at  ng mga food stalls. Kasama ko sila Leng at Kristel. Sa hndi kalayuan sa may Heroe’s Park andun din mga classmates ko. Dahil nga break naglipana lang kami kung saan saan. Wala naming exam so keri lang tumabay muna.

Kristel:  “Mare, anong oras ba kayo mag mmeet ni Dan? Tagal naman niya ikaw pa talaga yung pinaghintay huh?”

“Sabi ko naman sa inyo mare diba, kakatapos lang ng klase nya. OT daw prof nila eh. Sabi niya sakin pababa na siya dito. Sinabi ko kung asan tayo. Bakit ba excited ka, ikaw makikipag meet??”

Kristel:  “Hehe. Hindi naman. Syempre na eexcite lang kami sa pagtatagpo ninyong mag irog. Wahaha”

“Nyahahaha. Mag irog talaga? Asus, si mare kinikilig pa oh!”, Panunukso ni Leng habang sinusundot ako sa tagiliran. Anubeh. Kelan kaya ako tatantanan ng dalawang bruhang ‘to.

For DEE (based on a true story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon