Mabilis lumipas ang araw pero hindi parin kami makahanap ng tamang tyempo para sabihin sa parents namin na buntis ako. Sige nga, kailan ba ang tamang tyempo? Hindi kasi maari ngayon, kasi kasal na ng Ate ko next month. Shems talaga, I’ll be so deads. Ako pa man din ang maid of honor.
Andito ako sa bahay ngayon, dumating na kasi yung gowns ng mga abay so isusukat na kung kasya ba or hindi.
Sh*t lang! Alam ko namang tumaba ako eh. Patay ako talaga nito.
Mom: “Karen, halika isukat mo na yung gown mo. Tignan natin kung kasya. Magbihis ka na at tutulungan kitang magsara ng zipper.”
Nako naman yung nanay ko talaga, sasama pa sa pagsusukat eh. Makikita niyang malaki na ang tinaba ko since sinukat ito sakin. Tense tense tense! Jusko po.
Andito kami sa room ko at sinukat ko na agad yung gown. Habang sinasara ni Mommy ang zipper sa likod, hirap na hirap siya.
Mom: “Hala, ang sikip na ng gown mo. Pa adjust nalang natin ulit. Ang takaw mo naman kasi eh. Mag diet ka naman. Pangalawang adjust na ito ng gown mo eh.”
“Ah, eh-oo. Ang s-sarap kasi kumain Mommy. Sabihin mo nga sa mananahi luwagan na ng malaki kasi ang hirap huminga. At hirap kumilos kapag masikip ang gown.”
Haruuu! Sana hindi makahalata yung nanay ko saken. Huhu. Baby, please tago ka muna kahit now lang. Bahala ka na kung saan ka magtatago ha? Sasakalin ako ng lola mo kapag nahalata ka niya eh.
Kinwento ko kay Dan yung nangyari at syempre tawa lang siya ng tawa. Ano pa bang aasahan ko? Sa mga panahon naman na tense na tense ako eh siya eh tinatawanan lang ako. Kainis talaga ang lalaking yun. Hindi siya sanay mag-alala eh. Lagi lang siya masaya kailangan ako lang ang nattense. Hays.
Nagsisimula na ang morning sickness ko. Actually hindi lang pala siya morning sickness kasi kahit nasuka na ako sa bahay pagkagising ko, pagdating ko sa school nagsusuka parin ako. Minsan kapag malayo ang CR sa room namin napapatakbo pa ako para lang umabot sa CR. Ang hapdi lagi ng tiyan ko at ang pait ng panlasa ko. Tinalo pa nito yung feeling ng may hang over eh. Mas malala pa itong paglilihi ko.
Kakatapos lang ng class ko at vacant ko na. Bababa ako mula 5th floor papuntang ground floor para bumili ng drinks. Grabe ang init init naman ngayon lalong sumasama ang pakiramdam ko eh.
Matapos kong bumili ng drinks, naisipan kong puntahan si Dan sa may oval kasi nagppratice sila ngayon ng basketball. Madalhan nga ng tubig dahil panigurado wala na naman siyang dalang tubig ngayon.
Medyo malayo ang nilakad ko mula Engineering building papuntang oval na nasa may main gate pa ng school. Grabe lang effort ko huh? Ang init pa naman ngayon. Pero ok lang din yun, stage girlfriend ako eh. Ganun talaga, kailangan panindigan. Hehe
Mabagal lang ang lakad ko habang papalapit ako sakanila. Malayo palang nakikita ko na si Dan pero, teka teka teka. Parang nagdidiliim ata ang paningin ko sa nakikita ko. Parang sasabog yung ulo ko sa inis.
Nakita ko lang naman si Dan, may kausap na babae at nakapalibot yung mga teammates niya sakanya. Nung nakita ako ni Abel, kinalabit niya si Dan. Naririnig ko na ang hiyawan ng mga teammates niya.
“Dan, yari ka..”
“Patay tayo jan, cho. Katapusan mo na..”
Hindi ko na napigilan ang emosyon ko. Galit na galit ako. Parang nanginginig yung kalamnan ko sa galit sa nakita ko. Papalapit sakin si Dan pero sinalubong ko siya. Wala na akong naiisip kundi galit ako. Sobrang galit.
Akma palang na magsasalita si Dan pero hindi na niya nagawa. Lumanding sa pagmumukha niya ang dala kong mineral water. Sinampal ko siya ng mineral water. As in sakto sa mukha niya.
BINABASA MO ANG
For DEE (based on a true story)
No FicciónSeven years ago, I wrote a letter for him including the lines of this song that would best describe how I feel for him.. Who knows how long I've loved you You know I love you still Will I wait a lonely lifetime? If you want me to, I will Love you fo...