Chapter 25 Ü

273 3 0
                                    

Ang daming tao sa bahay nila Dan. Puno ang loob at labas ng bahay pati sa bakuran. Akala ko ba simplehan lang ang kasal? Konti lang daw ang invited pero bat hindi ako nainform na buong Brgy. Bulihan pala ay kumbidado? Grabe lang. Nahilo ako sa dami ng iniistima kong bisita. Ang laki pala ng angkan nila Dan talaga.

Hindi na kami nakapag invite ni Dan ng mga classmates namin at friends. Family lang kasi talaga ang usapan na dadalo sa kasal namin eh. Yun nga lang eh kagulo na ang mga tao kamag anak palang yun, paano pa kung lahat ng friends namin eh kumbidado eh ang dami dami din nila. Ni isa wala kami ininvite kasi pag may ininvite kang isa, katampuhan pa sa iba eh so wag nalang.

Wedding is traditional. Merong drinking of wine saka slicing of cake sa terrace nila Dan na merong fountain na naka ayos. Actually hindi ko alam na me ganun palang hinanda sila Tita Meng or I should say Mommy Meng. Katulong niya si Ate We (Tita ni Dan). Nakaka touch din naman kasi wala naman akong inexpect na ganun. Nag inititate na sila sa pag aayos alam nila kasing abala ako sa school.

After ng kainan, syempre simula narin ang inuman nila Dan kasama ang mga pinsan at mga Tito niya. Ako naman ay abala parin sa pagkilala sa mga kamag anak ni Dan na hindi ko pa na mmeet. Karamihan naman ay na meet ko na dahil nanduon naman ako lagi kapag may event. Natuwa ako kay Siena kasi meron pa siyang regalong chocolate mousse cake para sa amin ng kuya niya. Sweet talaga ng batang ‘to.

Unang gabi namin ngayon ni Dan, I mean as husband and wife. Nagmamaktol siya kasi umiinom pa siya pero nagtext na si Mommy at pinapauwi na kami sa amin sa Dakila. Umuwi narin kami kasi wala naman siyang choice. Ang usapan ay usapan. Sa amin kami matutulog.

Pagdating sa bahay, konting ayos lang gamit tapos nahiga na rin kami. Nakakapagod ang maghapon pero masaya.

Yumakap si Dan sa akin mula sa likod habang nakahiga.

“Asawa ko, alam mo ba masaya ako ngayon? Sobra.”

“Bakit naman?”

“Kasi asawa na kita, syempre. Ikaw ba hindi masaya?”

Humarap ako sakanya at yumakap rin.

“Syempre masaya ako. Naalala ko tuloy yung exchange of vows natin. Ang epic non! HAHAHAHA!”

“Cheeeee!! Pinagtawanan mo pa ako huh? Kasi naman sobrang kinakabahan ako eh. Ganun pala talaga kapag kinakasal noh? Grabe yung kaba. Daming beses ko ng naglaro ng basketball. Kung sino sino na tao ang nakalaban ko at humaharap ako sa madaming tao lagi pero nun lang ako kinabahan ng ganun. Iba pala talaga kapag sumusumpa ka na sa harap ng babaeng gusto mo makasama habang buhay.”

Eto na naman yung pakiramdam na yun. Yung feeling ko may mga nag ssynchronized dance sa loob ng tiyan ko. Nakakakeleg!!!!

“EEEHHHHHHH!! Ang keso mo!! Haha. Alam mo asawa ko, sana palaging ganito. Kahit mag asawa na tayo hindi mawawala yung kilig moments.”

“Oo naman noh! Lagi parin kitang papakiligin, walang magbabago. Mas mamahalin kita at aalagaan. Yung panliligaw naman hindi natatapos yun ng kasal. Magsisimula palang tayo ng bago, bilang mag-asawa na.”

“Wushu??? Sana lang mapanindigan mo yan. Dalawa na kasi kaming aalagaan mo eh.”

“Oo naman noh. Kayang kaya ko yan, cho! Ako pa? May naisip ako, parang dapat palitan na natin yun tawagan natin. Asawa na kasi kita, tapos asawa ko? Hmm.. Watcha think?”

“Sabagay tama ka jan! Redundant na masyado eh. Ano naman ipapalit natin? Sakin kahit ano basta hindi masyadong common at sweet.”

For DEE (based on a true story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon