Chapter 19 Ü

363 2 2
                                    

Natulala nalang ako ng dahil sa result ng PT. Hindi ako naiyak, parang nasa state of shock pa talaga ako at feeling ko hindi pa naabsorb ng buong sistema ko na buntis ako. Really? I’m going to be a Mom at the age of 20?  

Napailing nalang ako. It’s too late to think about those stuffs kasi eto na eh. Nangyari na. I should stop thinking about negative thoughts, puro positive lang dapat. Nagtext na sakin si Dan para itanong kung ano ang result pero hindi ko pa masabi sakanya. Ano kaya ang magiging reaction niya? Magiging sad ba siya? Confused? Masaya?

Argh! Kasi ako mixed emotions eh. Malungkot na masaya, confused, natatakot.. lahat na ng emosyon. Name it! Kagulo na sila ngayon sa sistema ko! Takte naman oh!

Hinawakan ko ang tiyan ko, maliit pa. I mean malaki pala, kasi talaga namang malaki ang tiyan ko. Lels. Ibig ko sabihin, hindi pa halata ang baby ko.

“Hay baby, kaya naman pala lalong tumakaw si Mommy eh. Anjan ka lang pala, may ka-share na pala ako sa pagkain ko.” Nasambit ko nalang yun habang hinihimas ang tiyan ko.

Nagccrave na naman ako. Hays. Grabe yung anak ko ang takaw. Meron akong gusto eh. Hmm… Kinuha ko ang cellphone ko at nireplyan si Dan. Nag aalala na yun tiyak eh.

To : Dan

“Asawa ko, punta ka dito mamaya ah. Pakibili ako ng spaghetti ng Jollibee. Sobrang nag ccrave ako nun kahapon pa eh. Hindi kasi masarap yung asa school eh. Iloveyou.”

From: Dan

“Nag breakfast ka na ba? Ang tagal mo naman magreply kinabahan ako sa’yo. Ano bang result ng PT? Iloveyou.”

To: Dan

“Pumunta ka para malaman mo. Hindi pa ako nag bbreakfast. Bilisan mo ah? Saka ‘wag kang pupunta dito kung wala kang dala Jollibee spaghetti. Kapag hindi moko dinalhan ngayon na, ‘wag ka na magpapakita saken!”

From: Dan

“Ay ang sungit naman ng asawa ko. Opo, maliligo lang po ako tapos punta na ako jan dala ang jollibee spaghetti mo. Ang syado mo rin eh noh? I love you.”

Napangisi nalang ako sa text ni Dan. Saturday ngayon kaya naman free siya pumunta dito sa bahay, kapag weekdays medyo busy na siya sa practice ng basketball para sa Intrams.

Nakatitig parin ako sa PT na hawak hawak ko. Hindi parin ako naiiyak, akala ko kapag nag positive ang result nito luluha ako ng bongga. Baka kapag sinabi ko na sa parents ko eh dun palang ako iiyak hanggang maubos ang luha ko. O baka hindi na ako makaiyak kasi bigla nalang nila akong gilitan ng leeg. Chos!

Maya maya, dumating na si Dan. Inaya ko siya sa kubo para walang makarinig ng usapan namin.

“Ang tagal mo naman, gutom na gutom na ako eh. Bakit isa lang binili mo? Ano ang gusto mo kainin?”

“Ayoko ng spaghetti eh, kanin nalang. Hehe.”

Kinuha ko ang PT sa bulsa ko at inabot sakanya yun. Pagkakuhang pagkakuha niya at pagkakita sa result..

..binigyan niya ako ng napakalapad na ngiti.

“Masaya ka sa result? Samantalang ako halos maloka na sa pag-aalala. Huhu ”

“Oo masaya ako asawa ko. Kasi magiging Daddy na ako!”

Niyakap niya ako. Ramdam ko nga na masaya siya, hindi ko ineexpect na ganito yung magiging reaction niya. Ni wala man lang bakas ng kaba? Hindi ba siya natatakot? Bakit ako lang ang takot? Bakit ako lang ang nag-aalala? Waaaah!! Ang unfair lang eh!

For DEE (based on a true story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon