Chapter 30 Ü

210 0 0
                                    

Naka graduate si Dan ng April 2009 at ako naman ay July graduate. July kasi special graduation yan for doctorate, masterals and mostly students na naka miss ng isang semester. Na miss ko ay ang OJT ko, so matapos ang graduation ni Dan ay nag apply na siya agad at nakapasok sa Mercury Drug habang ako naman ay nag o-OJT sa PLDT Malolos. Kasama ko sila Crisan at Fervie mag OJT at na-assign kami sa PLDT plant office. Yun naman kasi ang gusto namin kasi ayaw namin sa office talaga. Gusto namin yung may field at actual work kung saan ma ppractice namin talaga ang ginagawa ng isang electronics engineer.

Natupad naman ang hiling ko sa OJT ko kaya na enjoy ko ito. Na try ko ang magconnect at disconnect ng telepono, gumawa ng plano ng mga poste, magrepair/troubleshoot ng DSL at ang pinaka challenging ay ang pag akyat ng poste. Mga gawaing hindi pinapagawa sa babae pero nag insist talaga ako. It’s now or never. Malay ko naman kung mabibigyan pa ba ako ng chance na ma experience yun kapag nagtrabaho na talaga ako kaya minabuti ko ng subukan ang mga yon. Gustong gusto ko talagang sinusubok ang kakayahan ko eh.

July 2009 - graduation ko. Iba parin ang pakiramdam nung natanggap ko na ang diploma ko sa entablado. Yung niyakap ako ng mahigpit ng Daddy ko – yung mukha niyang sobrang saya nung salubungin niya ako pagkatapos ng graduation ceremony, hindi ko malilimot yun. He’s a man of few words but I can always feel him. Nabigo ko man siya nuong nag asawa ako agad, pero hindi ko siya binigo dahil nakamit ko parin ang degree na gusto ko. It was priceless – the happiness that I’ve seen from his eyes. Nais ko maiyak pero I don’t want to spoil the moment. Ang mas masaya pa dun ay hindi lang pamilya ko ang sumalubong sa akin. Andun ang asawa ko at ang in-laws ko na alam kong masaya para sa akin. Hindi ako masyadong nag alala na baka hindi na kami magkikita ng mga college friends ko. Alam ko, mababawasan lang ang oras na magkakasama kami after graduation pero alam ko rin na sa limang taon na magkakaramay kami ay hindi magiging mahirap humanap ng oras para magkita kami. Pare-pareho naman kaming taga Bulacan kaya keri ng time namin yun. Saka may ilang buwan pa naman kaming magkakasama kasi maghahanda pa kami para sa isa pang challenge sa buhay namin – ang board exam.

Nung una ay ayoko naman talagang mag take ng board exam pero nakumbinsi rin naman ako ng pamilya ko. Natatakot kasi ako kasi bilang kakilala ko ang sarili ko, alam ko hindi ko yun maipapasa. Hindi naman sa inuunder estimate ko ang sarili ko pero naffeel kong hindi kasi yun para sa akin. Ewan ba. Naka graduate nako at lahat sa ECE pero asa confusion stage parin ako. Char!

Habang nagrreview ko, si Dan na ang nagssupport sa expenses ko. Nung papalapit na ang board at refresher na ay kinailangan ko ng mag boarding house sa may Espana – sa tapat ng UST. Mas kinailangan namin ng mahabang time para magreview at hindi na makatarungan pang mag uwian sa Bulacan sa mga panahong yun. Kasama ko sila Crisan, Fervie at sila Millie sa boarding house. Habang nagttrabaho naman si Dan ay naalala ko na kinuha siya ni Jeff (kaibigan namin sa Dakila) para maging player sa Parulan, Plaridel, Bulacan. Bunot lang siya duon pero nakakapaglaro naman siya dahil gabi naman ang liga.

Dahil nga nag-bboarding house na ako ay tuwing weekend lang kami magkasama. Nung minsan ay nag mall kami at habang nakasakay kami sa MRT ay merong eksenang kumuha ng atensyon ko.

“Swit, tignan mo yung matandang lalaki. Hawak hawak niya yung kamay ng matandang babae. Inaalalayan niya yun. Napaka sweet lang nila kahit ang tanda na nila.”

Nakadama ako ng kilig kasi bihira akong makakita ng ganun. Halos hindi bitawan ng matandang lalaki ang kamay ng matandang babae. Parehas silang puti na ang buhok at nakatitiyak akong nasa late 60’s na ang edad nila.

Hinawakan ni Dan ang kamay ko at bumulong.

“Huwag kang mag-alala. Kasi hanggang pagtanda natin eh magiging ganyan parin ako ka sweet sa’yo. Naalala mo ba yung kinakanta ko lagi sayo? Kahit maputi na ag buhok ko? Magiging gayan din tayo, Swit.”

For DEE (based on a true story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon