Sa sobrang dami ng tanong ko. Nakatulog nalang ako sa pag iyak. Ang hirap tanggapin na wala na kami. Hindi parin ako sanay ng wala siya, ng hindi kami magkausap. Eto na yata ang pinakamasakit na breakup na naranasan ko. Parang kada minuto na mag isa ako naiisip ko siya.
Bisperas ng fiesta sa barrio namin nun nagkahiwalay kami. Kinabukasan fiesta na, kahit naman paano malilibang ako. Nagtext ako agad kina Fervie, Leng at Kristel. Kailangan ko kasi ng kausap every once in awhile. Nagalit sila kay Dan, malamang kasi ang babaw naman ng dahilan ng break up namin.
Tuwing fiesta, nag eelect ng bagong Sikap Kabataan leaders at committee para sa taon na yun sa barangay namin. Nagulat nalang ako ng makita ko yung pangalan ko na nakapaskil sa may bisita – as Vice President.
AKO TALAGA??
Wala nga akong hilig sa mga ganyang gawain eh. Pero no choice naman ako, andun na eh. Saka naisip ko nalang din, na magkakaron ako ng bagong friends kasi karamihan naman ay hindi ko kakilala. Isa lang ang kilala ko, si Erika (EJ). Ka service ko dati kaya panigurado may makakasundo ako.
Sa sobrang dami activities at preparation ng SK para sa Flores de Mayo, nakalimutan ko ng depressed ako. Masaya sila kasama, saka madalas kami tumatambay. Kaya tama ako, sila din ang nakatulong sa pag mmove on ko. Laugh trip lang kami lagi. Nag gagayak kami ngayon ng karo ng Mahal na Birhen para sa Flores..
Calling Tato…
Bakit naman kaya napatawag ang lalaking ‘to?
“Hello,”
“Hello Mare..”
“Oh kamusta? Napatwag ka yata. Anong meron?”
“Ah, wala naman. Nangangamusta lang.”
“Sus, hindi mo naman ako tinatawagan eh. Kaya alam ko may sasabihin ka. Ano nga yun?”
“Ah, eh.. break na kayo ni Daga?”
“Oo. Nung 1 pa. bakit?”
“Ah wala naman..”
Bakit ganito yung pakiramdam ko? Feeling ko meron ako kailangan malaman. Feeling ko meron kailangan sabihin sakin si Tato. Ang bilis ng tibok ng puso ko sa kaba. Alam ko, kung ano man ang alam niya. Hindi yun maganda. Sa tono ng boses niya, napakaseryoso. Hindi naman seryosong tao yan eh. Kaya mas lalo akong kinabahan.
“Alam ko may sasabihin ka sakin. Sabihin mo na. Yung totoo, tungkol sa breakup ba namin ni Dan ‘to? May third party ba?”
“Deserve mong malaman yung totoo. Oo eh. I’m sorry..”
Hindi ko na pinatapos yung sinabi ni Tato.
Sh*t ang sakit!
Ok na ako eh. Move on na sana ako, pero bakit ganito? Nung una ang dami kong tanong bakit kami nagkahiwalay. Ngayong nalaman ko na yung totoo, ang sakit sakit pala! Parang dinudurog yung puso ko. Bakit niya ako niloko? Bakit niya ginawa sakin yun?
Kaya nga ako takot na takot makipagrelasyon kasi ayoko ng maranasan ‘to eh. Pero bakit niya yun ginawa. Ano ang ginawa kong mali sakanya para ganito lang ang isukli niya saken? O ano ang hindi ko ginawa para ipagpalit niya ako sa iba?
Yang mga tanong na yan ang tumatakbo sa isip ko. Napayakap nalang ako kay EJ. Inaalo ako nila ni Eph (Vice president din ng SK gaya ko). Napainom kami ng dahil sa pag iyak kong yun.Kinwento ko din kina Fervie, Leng at Kristel ang nangyari. Kahit summer break, nagkakatext kami lagi at mas lalong nagalit sila kay Dan.
BINABASA MO ANG
For DEE (based on a true story)
Non-FictionSeven years ago, I wrote a letter for him including the lines of this song that would best describe how I feel for him.. Who knows how long I've loved you You know I love you still Will I wait a lonely lifetime? If you want me to, I will Love you fo...