Sembreak is over at second semester na. Bakit ang bilis naman ng panahon? Pero I am happy kasi my relatonship with Dan is going smoothly and fine. Ok ako sa parents niya at ok din siya sa parents ko.
At dahil legal na kami, hindi ko na kailangang ma tense everytime na naka angkas ako sa motor niya, worrying na baka may makakita sa amin tapos isumbong ako agad sa parents ko. Atleast ngayon may makakita man, kiber na.
I am busy preparing my stuffs for school the next day ng may nareceive akong text.
From: MJ
“Ate..”
Nag promise na ako kay Dan na hindi ko na ittext si kuya eh. Kaso bakit pakiramdam ko kailangan niya ako? Hindi ba at sinulatan ko na siya para sabihin na ayaw ni Dan na magkita o magtext kami. Alam ko maliwanag yun sakanya, at alam ko sa pagkakataong ito eh tinext niya ako kasi may kailangan siya at kung ano man yun, sobrang halaga nun.
To: MJ
“Oh kuya, bakit? Late na ah. Napatext ka?”
From: MJ
“Ate, sorry nagising ba kita?. Nag away kasi kami ni Erika. Nakikipaghiwalay kasi siya sakin eh. Kailangan ko lang ng kausap. : ( ”
** Baka lang ma confuse kayo. Yung Erika na girlfriend niya ay hindi yung Erika (EJ) na friend ko sa SK ha? Iba ito. Nataon lang na same sila ng name. : )
Sabi ko na nga ba at kailangan ako ni kuya ngayon eh. Kaso paano ba ‘to? Magagalit tiyak si Dan sakin kapag nalaman niya na nagkatext kami ni MJ. Pero hindi ko naman pwedeng pabayaan nalang si kuya. Malaki ang utang na loob ko sakanya. Nung ako yung broken-hearted eh ni hindi siya nagdalawang isip na kalingain ako. Alam ko, maiintindihan din ako ni Dan and he needs to know about this because I can’t lie to him. Ipapaliwanag ko nalang sakanya ‘to, hahanap ako ng tamang tyempo.
Kinwento sakin ni kuya ang dahilan ng misunderstanding nila ni Erika. Selosa kasi siya, at masyadong mahigpit. Teka teka, that is so me ah?hehe.
Syempre, I tried to make kuya feel better by saying stuffs like..”takot lang siya mawala ka kaya siya nagsselos..”, “mahal na mahal ka lang niya kaya possessive siya..”
Pero ang totoo? The nerve of that girl. Ang bait bait ni kuya noh? How can she be so mean to him? Oo mahigpit ako kay Dan, pero heller may pinaghuhugutan ako. Eh siya wala naman. Kuya is a one-woman-man tapos aawayin lang niya lagi? Pasalamat kang babae ka at mahalaga sakin si kuya and i hate to see him getting hurt kung hindi nasaktan na kita!
Galit much? Hehe. Pampakalma nga! Utang na loob.
Pero wala ako choice kung hindi i-advice nalang din na suyuin niya ang girlfriend niya. I want kuya to be happy always ‘coz that’s what he deserves.
From: MJ
“Thank you ate ha. The best ka talaga! Imissyou. Loveyah. Ingat ka lagi.”
That’s kuya’s last text to me. Hay, I really miss him. It felt so good talking to him again. Ilang buwan ko siyang iniwasan at hindi tinext para sa ikatatahimik ng pagkatao ni Dan. I love him so much na ayoko na may pinagsselosan siya. Kahit si David na classmate ko na crush ko ay nakuha kong iwasan kasi magagalit si Dan saken eh.
Selosa ako? Pwes, mas seloso yun.
Funny thing lang kapag nagkikita kasi sila ni David, nagkakamay pa sila na parang close na close. Nagkkwentuhan pa nga sila minsan kapag may inuman kaming magkakaklase kasi lagi ko siya kasama. Ka close niya na ang mga classmates kong lalaki. Pero bukod sa natural ang pagka friendly niya, behind their closeness is a reminder narin para sa mga classmates ko na.. “Back off, she’s my girlfriend..”
BINABASA MO ANG
For DEE (based on a true story)
Non-FictionSeven years ago, I wrote a letter for him including the lines of this song that would best describe how I feel for him.. Who knows how long I've loved you You know I love you still Will I wait a lonely lifetime? If you want me to, I will Love you fo...