Chapter 21 Ü

288 3 0
                                    

Finals na ng Intrams at sa pangalawang pagkakataon, Engineering saka ICE parin ang magkalaban. Nagdilang anghel nga si Dan sa sinabi niyang hindi makakapasok ang HRM sa semis. Dalawa lang yun - either sinadya niya or mahina lang talaga ang team na yun. Need I say more? : )

Pero yung championship  ng ICE vs Engineering? Napanood ko na’to last year at tiyak akong ICE parin ang mananalo. Syempre may plus points parin kami kapag nanonood ng basketball game ng college namin. This time hindi na ako naiilang kasi alam naman na ng lahat na boyfriend ko ang MVP. Mas confident ako ngayon pero nagpipintig parin ang tenga ko sa mga fans niya. Dito lang ata ako hindi masasanay, yung kabi-kabila yung nag chcheer para sakanya. Parang gusto kong bigwasan ang mga babaeng ang cheer ay.. “I love you number 5..”. Yung totoo teh? Kapag magaling maglaro ng basketball mahal mo na agad? Leche lang eh, uusok na tenga ko sa galit. Sarap manghulog sa bleachers. Pasalamat nalang ako at kasama ko si Chel at Celle, merong nagpapakalma saken.

Kung last year mahigpit ang laban, sa pagkakataong ito medyo hirap na ang Engineering talunin ang ICE. Iniisip ko pa kung naging mahina ba ang Engineering? Pero hindi eh, isa lang ang sigurado ko..

.. mas malakas maglaro si Dan ngayon.

Gaya ng inaasahan ko, ICE na naman ang nag Champion at syempre si Dan na naman ang MVP. Hindi na yun pagduduhan pa. Grabe lang ako makayapos after ng game sabay irap ulit sa mga mukhang hitong fans ni Dan. Galit na galit lang ako eh? Lol.

“Ang galing naman ng asawa ko. MVP ka na naman. I love you. Mas maganda yung laro mo ngayon kesa last year ah.”

“Alam mo ba kung bakit? Kasi dalawa ang lucky charm ko ngayon. Ikaw..” Ni kiss niya ako sa cheek. “Saka ito.” Ni kiss niya ang tiyan ko. “Inspired ako sa inyong dalawa eh. Love na love ko kasi kayo.”

Sh*t lungs! Kinilabutan ako ng bongga.

Wala pang may alam na buntis ako pero hinalikan niya ang tiyan ko sa harap ng maraming tao. Syempre MVP siya so maraming mga mata ang nakatingin sa amin panigurado. Andami kayang paparazzi. Lels.

Hindi na ako nakagalaw sa kinakatayuan ako. Masaya ako kasi proud siya sa baby namin, pero nakaka kaba rin baka maunahan pa kami ng mga chismosa na magsabi sa parents ko. Gayumpaman, kinikilig parin ako sa tuwing hinahalikan niya ako sa harap ng fans niya. Mahihiya si Rapunzel sa haba ng buhok ko eh!

Dahil nga sila ang champion, napagdesisyunan nila na uminom at magcelebrate kina Kiko. Dun sila lagi nagccelabrate kasi sila Kiko ay dealer ng mga softdrinks at beer. Grabe lang, pagdating mo sa likod ng bahay nila kung saan ka umiinom ay makikita mo ang napakaraming Red Horse. Hindi ka pa umiinom feeling mo lasing ka na sa sobrang dami na beer na nakahilera.

Kasama ko parin ang girl friends ko, si Chel at Celle. Nagkkwentuhan kami tungkol sa mga kalokohan ng mga boyfriend namin. As in kalokohan.

.

Celle: “Mare, hindi ka ba iinom?”

“Naku mare, sensya na ha. Hindi kasi ako pwede, ah eh-sinisikmura kasi ako. Kaya pass muna ako ha?”

Celle: “Ganun ba? Sayang naman mare. Sige kami nalang ni Chel ang iinom.”

“Pero nagugutom ako. Kanina pa. “

Chel: “Ano bang gusto mong kainin mare? Papabili ako kay Kiko.”

Lumapit si Dan at si Kiko sa amin. Nagulat nalang ako at iniligay ni Dan yung bimpo niyang puti sa ulo ko.

“Mahamog na oh, mag pindong ka.”

Hinitak ko si Dan at bumulong sakanya.

“Ano ba yan, magtataka sila mare kung bakit ako nakapindong. Hindi naman humahamog eh.”

For DEE (based on a true story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon