Hindi ko pa nasasabi kay MJ yung tungkol sa sinabi ni Dan sakin. Yung gusto nitong pag iwas ko sakanya. Kilala ko si kuya, alam ko maiintindihan niya ako. Pero mamimiss ko kasi siya eh. Nasanay na din kasi ako na lagi siyang anjan para sakin. Lagi ko siyang katext. Pero kung yun naman kasi ang posibleng maging dahilan ng pag aaway namin ni Dan, wala akong choice.
At dahil gusto ko malaman niya gaano siya kahalaga sakin. Sinabi ko sakanya yun through letter.
Kuya,
Thank you sa lahat lahat. Na appreciate ko yung friendship natin lalo na yung mga times na kailangan na kailangan kita, nung nagbreak kami ni Dan. Kaya lang kasi ngayong nagkabalikan kami, kailangan ko muna dumistansya ng konti. Nagseselos kasi siya sa’yo. Kinwento ko kasi yung closeness natin. Alam ko posibleng mangyari ‘to na hilingin niya na iwasan kita. Na huwag makipagkita at makipagtext sa’yo pero kinailangan niya malaman yun kasi ayoko dumating ang time na magalit siya kasi nilihim ko sakanya. Saka umasa ako kahit paano na hindi niya ito hihilingin sakin.
I’m really sorry, kuya. I hate to do this pero wala na akong choice. Maiintindihan mo naman ako diba? Ganun padin naman tayo kahit hindi na tayo nagkakausap madalas diba? Kasi sobrang special mo sakin. Gusto ko malaman mo kung gaano ka kahalaga and this is the best time. Sobrang mahalaga ka sakin to the point na pag dumating ang time na kailanganin mo naman ako, nandito lang ako. Alam mo naman paano ako kokontakin diba? Malaki kasi ang utang na loob ko sa’yo at hinding hindi ko yun makakalimutan.
I will miss you super, Kuya! Loveyah!
Karen
Note: Hindi ko na maalala yung exact words ko sa letter ko kay MJ pero yung thought ganyan din.. : )
At ayun nga, inabot ko kay kuya ang letter tapos umalis na ako. Nagtext naman siya sakin.
From: MJ
Thanks sa letter ate. Ang ganda ng sulat mo ha? Kala ko computerized.hehe Naiintindihan naman kita, kung ako man din nasa kalagayan ni Dan baka ganun din maging reaksyon ko. Basta masaya ka ate, dun ako. Dito lang ako lagi para sa’yo kahit na ano mangyari. Loveyou ate, muah!”
Waah! May kirot sa puso ko nung nabasa ko yung text ni kuya. I hate this feeling that I have to give him up, pero minsan kailangan may i-sacrifice ka para hindi mo masaktan yung taong mahal mo. Minsan kahit mahalaga pa yung tao na yun, kailangan mo pading mamili para sa ikakabuti ng lahat.
Nalulungkot ako sa pag iwas ko kay kuya. Pero wala akong pinagsisihan. Yun ay dahil masaya ako ngayon. Sobrang saya na kami ulit ni Dan. Unti unit kong nararamdaman na tama ang naging desisyon ko na makipagbalikan sakanya.
Pinilit niya na makabawi sakin. Sinasama na niya ako sa mga lakad niya. Minsan meron kaming mga tampuhan pero usapan naman namin na hindi namin papatagalin yun overnight. Naayos naman kaagad. Napaka mainitin kasi ng ulo ko, si Dan naman ay pikon. Perfect match diba?hehe.
Nandito kami ngayon sa bahay nila Dan. Nanonood ng movie at as usual kumakain. Para lang maiba yung merienda, bread na may hotdog and egg naman. Umay umay din sa pancit canton.hehe
“Baby ko, sasali ako sa basketball ng college namin ah. Para sa Intrams. Okay lang ba?”
“Oo naman. Siguraduhin mo lang na magtitino ka. Yang pagbabasketball mo ang isa sa dahilan bakit tayo nagkasira dati..”
“Kalimutan mo na yun, please? Mahihirapan kasi tayo kung lagi mo nalang binabalik yung nakaraan eh. Hindi ko pa ba napapatunayan sa’yo na ikaw lang talaga ang mahal ko? Magtiwala ka na sana sakin.”
BINABASA MO ANG
For DEE (based on a true story)
Non-FictionSeven years ago, I wrote a letter for him including the lines of this song that would best describe how I feel for him.. Who knows how long I've loved you You know I love you still Will I wait a lonely lifetime? If you want me to, I will Love you fo...