NOTE ** Alam ko namang hindi niyo gugustuhing basahin ang story na ‘to kung ang setting ay laging nasa classroom. Swear boring siya. Kaya lagi nalang kapag break time ang settings natin. Ok? : )
Nandito kami sa may Heroe’s Park. Kasama ko si Leng, Kristel at Fervie. Tamang kwentuhan lang at syempre hindi na maalis samin ang mang okray ng mga dumadaan. Wala lang, trip lang. Friday kasi ngayon at hindi kami naka uniform. Madami kasing mga estudyante dito na simple lang ang porma. Malamang, state university kami nag aaral at madami dito ang hindi afford ang pumorma ng wagas, hindi gaya sa school ko dati. Pero meron din namang mga estudyante dito na bet yata mag stand out sa mga outfit nila. Pampage much to the highest level.
“Wahahahaha! L*angya! Ayan kasi, kay taas ng heels mo ate. Kala mo ang ganda ng lalakaran mo dito. Pahiya ka pa tuloy”, ang lakas ng tawa ni Kristel habang pinapatungkulan ang babaeng natapilok. Malayo naman kami so hindi naman naririnig. Hindi naman kami mean girls ng uber. Slightlyhood lang. hehe
“Oy, wag kayo. Kita mo nga si Fervie lagi yang naka heels. Hindi naman siya natatapilok.”
Leng: “Paano naman, sanay na sanay na sa heels yan. Parang ang model ang peg. Sexy sexy pa maglakad.”
Fervie: “Sanayan lang yan noh! Saka alam niyo naman hindi ako mahilig mag rubber shoes talaga. Hindi din naman ako pwede basta basta mag slippers at na aallergy ako.”
Oo, tama kayo ng basa. Sa lahat naman ng taong nakilala ko, si Fervie na yata ang pinaka malala. Para siyang allergy na tinubuan ng katawan. Chos! Allergic siya sa sa chicken o kahit na anong malalansa. Kasi pag nakakain siya, mamamantal yung buong braso at mukha niya. At pati sa slippers, bawal sakanya ang rubber at plastic kasi namamantal din. Grabe lang. Halos gawin ng chewing gum yung antihistamine ng babaeng ‘to eh. Kaya ayun, laging tulog sa klase.haha
May dumaan na naka motor, may ka angkas na girl. Malamang girlfriend niya yun.
Kristel: “Ay grabe si ate, makayakap sa jowa niya. Walang aagaw teh! Saksak mo sa baga, atay at balunbalunan mo.”
Sabi ko na nga ba eh. May mag ccomment. Wala naman silang pinapalampas. Ulitmo paling na kilay mapupuna ng mga kaibigan kong ‘to eh. Gaganda eh??
Leng: “Hay naku, talaga naman. Nakakahiya talaga sumakay sa motor. Weird kasi. Hindi mo alam kung saan ka ba kakapit. Sa bewang ba o sa balikat o sa motor nalang kaya? Kaya ako pag me nanligaw sakin ng naka motor, hindi ako aangkas talaga.”
“Sabagay, oo nga naman. Nakakahiya din kasi mga naka motor dito. Pinagtitinginan ng mga tao. Mapanghusgang taong gaya niyo. Grabe kayo lahat talaga napapansin niyo hanoh?,” sabay tingin ko kina Leng at Kristel.
Natapos yung klase namin sakto 3PM.
Naglalakad kami ngayon papuntang Capitol.
OH EM JI!
Naalala ko, magbabayad pala ako ng bill!. Hala, at si Dan pala sabi niya susunduin niya ako. Kinuha ko yung phone ko at pagkita ko. Madami na ngang messages.hehe. Grabe hindi ko nana-check phone ko agad kasi naman Solid Mensuration yung subject eh. Focus na focus dapat dahil wala ng mas nakakalito pang mgturo kay Sir dela Pena.
To: Dan
“Tapos na yung klase ko. Sorry nakalimutan ko mag check ng phone. Nandito na nga pala ako sa Capitol. Dito mo nalang ako puntahan ha?”
From: Dan
“Sige. Saglit lang ha. Sunduin kita jan.”
BINABASA MO ANG
For DEE (based on a true story)
Non-FictionSeven years ago, I wrote a letter for him including the lines of this song that would best describe how I feel for him.. Who knows how long I've loved you You know I love you still Will I wait a lonely lifetime? If you want me to, I will Love you fo...