Chapter 29 Ü

186 2 2
                                    

Yung huling taon namin sa school ay naging challenging pero masaya. Enjoying every moment with our college friends. Kahit nuong hindi pa kami mag asawa ni Dan, kapag may lakad ako kasama ang mga classmates ko ay kasama ko siya at kapag siya naman ang may lakad kasama ang friends niya ay kasama ako. Nung highschool ako ay iilan lang ang mga friends ko. Intimidated lang din ako siguro sa mga ka-batch ko na super yaman, feeling ko I don’t belong. Pero nung nag college na ako at nag aral ako sa state university, mas na boost yung self confidence ko kaya mas marami akong naging friends. Pero mas dumami yun nung ipakita ni Dan sa akin ang mundo niya. His world is a lot different from the world that I think I would live into. Napaka simple pero kakaiba ang kasiyahan. Sabi nga nila, someday those small things would mean big. Really big. Ni minsan hindi ko inisip na magkakaroon ako ng ganitong pagkakataon. Ang matutong pakibagayan ang lahat ng tao – mahirap man o mayaman ay pwede mo maging kaibigan basta totoo ka sa sarili mo. Binago niya ako, but he did it not because he wants me to be someone else. He did it for me to be better. To bring out the best in me.  Yay! Ang cheesy po.

Tutal nabanggit ko na ang small things would mean big things na yan, itotodo ko na. Yung maliliit na bagay na ginagawa niya para maging sweet sa iba’t ibang paraan. Iba’t ibang paraan? Ganito yun.

Nung minsan ay umuwi siya galing sa school at pagdating niya sa bahay ay nanood agad ng basketball. Nanduon kami sa sala ng bigla nalang niya ako utusan.

“Swit, naiwan ko yung wallet ko sa compartment ng motor. Paki kuha please?”

“Ayoko nga. Tinatamad ko eh, bakit hindi nalang ikaw ang kumuha? Uutusan mo pa ako.”

“Swit kasi, ang sakit sakit ng paa ko. Huhu Hindi nga ako makalakad oh.” Habang sinasabi niya yan ay nag puppy eyes pa siya at umaarte na masakit ang paa. Alam ko namang acting lang ag lahat. Naglalambing lang yan eh.

“Naku talaga ba, Swit ko? Kawawa ka naman pala.”  Hinalikan ko siya sa pisngi. “Sige na nga ako ng kukuha.”

Tumayo ako at pumunta sa labas ng bahay para kunin ang wallet niya. Pagbukas ko ng compartment ng motor ay wala ako nakitang wallet. Pero meron akong nakitang double cheeseburger ng Mcdo. Nung time na yun ay parang ilang araw ko ng nalilihi ang DCB ng Mcdo eh. Alam na alam niya ang magpapaganda ng mood ko. Alam na alam niya paano ako isurprise.

Nung minsan din ay may uwi siya saken na black hoop earrings. Malaking earrings yon, eh ayaw niya nga na nagssuot ako ng malaki at dangling na earrings eh kaya nagtaka ako bakit niya ako binilhan nun. Sabi niya kasi daw gusto lang niya ako isurprise pero bawal ko daw isuot yun at itago ko lang. May pagka bipolar lang siya diba?

Madalas tumatambay parin siya kasama ang mga boys niyang friends at pinsan. Pumapayag naman ako syempre lalo na kapag anjan naman si Siena para samahan at makipagchikahan sa akin. Buti nalang at naka close ko ang batang yan dahil sa tuwing andun ako sakanila ay lagi ko siyang kasama. Usapan namin ni Dan nuon na kapag tatambay siya ay may limit lang. Like kunwari hanggang 9PM or 10PM lang. Kapag na-llate siya ng uwi alam niya na mababadtrip na ako nun. Pero magaling lang talaga siyang bumawi. Nung minsan ay pagpasok niya ng kwarto nagpanggap akong tulog kasi nga nayayamot ako sakanya. Ginising niya ako kasi daw meron siyang ibibigay sa akin. Mula sa likuran niya ay kinuha niya ang flowers gawa sa iba’t ibang kulay na papel. Naka akma pa naman akong magagalit pero imbis na magalit ako ay natuwa ako. Ang cute kasi ng mga bulaklak. Yung pagkabanas ko sakanya napalitan pa ng kilig. Chos.

Mula nung kinasal kami ay mas PDA daw kami sabi ng mga kamag anak niya. Nag kkiss sa simbahan kapag sign of peace na, magka holding hands o di kaya ay magka akbay kapag naglalakad sa kalsada at ang nakakatuwa sakanya ay yung pinagsisigawan niya na “Swit” ang tawag niya saken at hindi niya ako tinatawag sa first name ko kahit na in public.

For DEE (based on a true story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon