Chapter 10 Ü

354 1 0
                                    

Matapos ang Intrams, syempre sunugan na ng kilay. Final exams na for the first semester at mabuti nalang at madami akong plus points dahil present ako lagi sa basketball game ng Engineering. Kapag naman Engineering ang course mo, malaking bagay na yung plus 10 points para sa final exams. Hirap na hirap lang ako sa Electronics kong subject eh major ko pa naman yun. Mabait naman si Ma’am Ems pero bat litong lito ako? Nakakalito ba talaga sia naturo o slow lang ako talaga? Haha.

Last day of exams ngayon, at ngayon din ang exam ni Dan sa Algebra. Yung totoo huh? Alam kong hindi nag aral ang lokong yun  dahil busyng busy siya sa Intrams. Saka kahit naman mag aral sya alam ko na hindi naman niya maggets. Lol. Merong pinapasang special project kay Dan yung prof nila, at yun ay sagutan ang lahat ng exercises sa College Algebra nila na book. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa asawa ko? Edi ako ang nagsagot ng buong libro. Buti nalang talaga at basic Algebra lang yun dahil 2days ko lang natapos ang buong libro. Hindi ako nagyayabang, madali lang talaga kasi. hehe 

Diba nga at nasabi ko din naman na ipinagako kong last sem na niyang ittake ang Algebra? So i will do whatever it takes to make sure he’s going to pass this subject. Nagkaroon kami ng deal bago mag exam. My brilliant idea should work. : )

To: Dan

“Asawa ko, pwede ba sa inyo gumamit ng cellphone as calculator?”

From: Dan

“Hindi ata. Bakit asawa ko?”

To: Dan

“I have a plan. Ittext mo sa akin ang questions sa exam mo then i’ll text back the solution plus the answers. Watcha think?

From: Dan

“Wow ang bait naman ng asawa ko. Thank you ha? Sige gagawan ko ng paraan yan. Sasabihin ko sa prof ko na naiwan ko ang calculator ko sa bahay. For sure naman papayag ‘yon kasi mabait naman siya.”

To: Dan

“Sure asawa ko. Yung totoo sabay tayo ng exam eh. Kaso madali naman ang exam mo kaya yan ang uunahin kong sagutan. Basta bilisan mo lang ang pagttext sakin kasi bawal samin ang cellphone. Itatakas ko lang sa prof ko tutal naman umaalis yun kapag nag eexam.”

From: Dan

“Yes boss! I love you so much asawa ko.”

Then my brilliant idea worked. Pumayag yung prof niya mag calcu siya gamit yung phone niya. Habang nag eexam ako, sumasakit ang puso ko sa tensyon. Literal na pinagpapawisan ako ng buti butil at nangangatag ako sa lamig dahil baka mahuli ako na may hawak na cellphone at super hirap ng exam ko. 10 lang ang problems pero ang hirap.

Nakahinga ako ng malalim ng natapos ko na yung exam ni Dan. Confident naman ako na tama lahat ng naisagot ko sa lahat ng problem solving sa exam ni Dan. I am pretty sure with that (in other words, maganda ako at sure ako) Chos!

The exam results are already given to us. At masaya ako, super saya kasi nakapasa na si Dan sa Algebra! Jusko paparty na ata ang Daddy ni Dan dahil sa wakas nairaos na niya yung subject na ‘yun. Nandito kami ngayon sa kanila nanonood ng PBA.

“Asawa ko, maraming salamat ha? Kasi kung hindi pa kita naging girlfriend at kung hindi mo pa ako tinulungan sa Algebra malamang hindi padin ako papasa. Bubugbugin na ako ni daddy talaga. ”

“Anything for you, asawa ko. Happy ako kasi ako yung isa sa mga reasons bakit ka pumasa. You’re one lucky guy because you are blessed with a very smart girlfriend.” then I smirked.

For DEE (based on a true story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon