Chapter 5 Ü

400 3 2
                                    

Bilang walang talent at tamad sa sports, dumadating ako sa point na naiinip ako kasi wala ako magawa kundi manood nalang ng TV. Pero simula nung nagkatext kami ni Dan, lagi na akong busy. Hindi ko na namamalayan ang oras at araw basta kausap ko siya.

Eeeh?? Inlove?

Ang bilis pa naman magreply ng lalaking yun. Madalas nga eh bukas lang ang TV pero hindi ko na halos naiintindihan ang pinapanood ko kasi abalang abala ako sa pagttext sakanya.

From: Dan

“Ahm.. Pwede ba tayo magsimba bukas?”

Naku, paano ba ‘to eh kasi nakasanayan na ng family namin na magsimba tuwing Linggo ng sabay sabay. For sure magtataka sila bakit hindi ako sasabay. Pero gusto ko din naman na lumabas kasama siya. Gusto ko siya makilala pa ng husto. Aish! Magdadahilan nalang ako kina Mommy, bahala na.

To: Dan

“Ahh.. sige ba. Anong oras ba?”

From: Dan

“5PM sana. Sa Basilica nalang tayo magsimba. May practice din kasi ako ng basketball sa umaga. Ok lang ba sayo?”

To: Dan

“Sige. 5PM. Ah, may itatanong pala ako sa’yo..”

From: Dan

“Sige bukas ha? Kung okay lang din susunduin kita jan sa inyo. Kahit sa kanto niyo lang. Ano nga pala itatanong mo?”

To: Dan

“Naku, ‘wag na. Magkita nalang tayo sa may Papers sa bayan bukas. Ah eh, itatanong ko lang sana..

 Ipininapakilala mo ba sa parents mo yung mga niligawan mo or naging girlfriend mo?”

From: Dan

“Sige, sa Papers nalang bukas. Actually, isa palang ang babaeng ipinakilala ko sakanila eh. Pero matagal na din yun. Bakit mo natanong?”

To: Dan

“Ah kasi, gusto ko ma meet yung parents mo. Alam ko kasi mas makikilala kita kapag na meet ko yung family mo. Ako ba, if ever sasagutin kita.. ipapakilala mo ba ako sa kanila?”

Ang totoo nun, nakaka kaba naman talaga na makilala ang parents ni boyfriend or ni suitor. Malamang diba, nakakatakot baka hindi ako magustuhan. Pero gusto ko din kasi malaman kung anong environment ang kinalakihan niya. Saka kung anong klaseng family meron sila. Maayos ba? Mga ganun. Hindi naman sa sigurista ako, ayoko lang din magkaron ng conflict in the future.

 Wow looking forward? Future agad ang iniisip?

From: Dan

“Oo naman. Worth it naman kung ipapakilala kita sa kanila. Actually, nakkwento na nga kita kay Daddy. Alam niya na may nililigawan ako ngayon.”

To: Dan

“Ay talaga? Kinkwento mo pala ako. Nakakahiya naman. ^_^”

From: Dan

“Close kasi kami ng daddy ko eh. Napansin niya na madalas ako may katext kaya tinanong niya ako. Sabi nga niya, gusto ka niya makilala. Sabi ko sakanya, minsan dadalhin kita sa bahay.”

For DEE (based on a true story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon