Chapter 15 Ü

340 3 0
                                    

Nakatapos na rin kami ng third year, pero may summer class ako. Oo, yung Electronics ko. Wala na ako magagawa hindi ko talaga siya ma gets eh. Napapanaginipan ko na nga yung mga formulas kakareview pero sadyang hindi meant to be sakin ang pagpasa sa subject na yan. Yung iba kong friends ay nag summer din sila Kristel, Fervie, Vic at Leng – nataon nga lang na iba iba kami ng subjects. Pero full time scholar pa rin ako kahit may summer classes ako. Kung tatanungin niyo kung bakit, secret yun syempre.. hehe Ah basta, swerte ko pa rin. :)

Naalala ko bigla nung final exams.

Flashback..

To: Dan

“Asawa ko, ang hirap ng exam namin bukas.huhu Magrreview ako hanggang madaling araw ngayon kasi kailangan ko mkapasa dito. Delikado kasi ako talaga eh.”

From: Dan

“Kayang kaya mo yan asawa ko. Naniniwala ako sayo : ) “

To: Dan

“Thanks sa support ha? Ano pa bang aasahan ko sa’yo kundi yan lang. Chos! Pero paano kaya yun, inaantok na kasi ako eh. Paano pa ako magrreview nito? : ( ”

From: Dan

“Hmm.. kkiss nalang kita para magising ka.. muahh muaahhh tsupp tsuppp!!.”

To: Dan

“Eeeehhh?? Sweet naman! Muah muah!!! Nako, si Mommy kasi nagmagandang loob na dalhan ako ng gatas sa room ko, nakaka touch pero inantok lang ako lalo dahil dun. Hays. Sana kayanin ko kahit hanggang 3AM man lang.”

From: Dan

“Kawawa naman ang asawa ko. Wag ka mag alala, sasamahan kitang magreview. Hangga’t hindi mo pa natatapos yan hindi din ako matutulog. Magpupuyat tayong dalawa hanggang 3AM. Kapag hindi ka nagreply, tatawagan kita. Dadamayan kita asawa ko kaya don’t worry.”

End of flashback..

Ang sweet niya talaga noh? Hihi

His simple acts of thoughtfulness means a lot to me. Sweet na yun para sa akin. Madali lang din naman ako iplease eh, kahit hindi niya ako bigyan ng kahit na ano basta maparamdam lang niya na lagi siyang anjan para sakin at para suporthan ako, sapat na yun.

Nung nakaraan ngang Valentine’s Day eh wala naman siyang hinandang magarbong sorpresa para sakin pero napasaya niya ako.

Flashback..

Hindi naman kasi kami mahilig mag date. We are not like typical couples na pupunta sa mall or kakain sa mamahaling restaurant so ngayong Valentines Day eh normal na araw lang din para samin.

Marami ako nakitang couples na sweet-sweetan ngayong araw na’to. Sa school may ilang babae pang may dalang bulaklak. Like duh? Nakakahiya kaya magbitbit ng flowers. Alam ni Dan ng ayoko ng ganun kaya hindi yun mag aattempt sure ako.

Nagtext siya na susunduin niya ako at sabay daw kami uuwi kasi half day lang ang class namin ngayon. Hinihintay ko siya sa baba ng Engineering building malapit sa computer room namin.

Pagdating niya, apir dito apir duon. Grabe lang, kasundo na niya talaga yung mga classmates kong boys. Tropa niya lang lahat.

Kasundo ba talaga o sadyang sikat lang siya? Hihi

Daig pa niya ako, yung mga yun nga eh hindi ko pinapansin. May mga classmate nga akong hindi ko alam na nag eexist pala. Chos!

Paglapit niya sakin may kinuha siya sa bag niya. Infairness, may dala siyang bag ngayon. Hindi naman yan nagdadala ng bag eh, nakain nun?

For DEE (based on a true story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon