May mga pulis.
May ambulansya.
May mga pamilyar na mukha.
Iba’t ibang boses ang naririnig ko sa paligid. Mayroong nagbabanggit ng pangalan ko, may mga nagbabanggit na ako ang asawa ni Dan.
Hindi ko na alam kung paano kami nakarating sa lugar na kinatatayuan ko. Halos paliparin na ni Daddy Ding ang sasakyan papunta dito at buong byahe ay tulala lang ako.
Pinadaan kami ng mga pulis at tinanong kung kami ang pamilya ni Dan.
Malayo palang ay nakikita ko na siya.
Nakahiga sa kalsada.
Suot niya ang isa sa mga paborito niyang jersey na ginamit niya nung naging champion sila sa basketball sa school.
Unti unti ay lumapit ako.
Narinig ko na ang panaghoy ni Mommy Meng at Daddy Ding.
Samantalang ako? Wala akong reaksyon. Hindi ko alam kung totoo ba ang nangyayari. Nakahiga si Dan nakakabit pa siya sa motor. Hindi kagaya ng ibang na aksidente na tumalsik, siya ay hindi. Pinagmasdan ko siyang mabuti habang nakahiga sa malapit sa gutter na napapalibutan ng tubig.
Ang dami kong naririnig na bulung bulungan. Pero ito ang hindi maalis sa isip ko.
“Dead on the spot daw si Daga eh kaya hindi na nadala sa ospital.”
Unti unti ko ng naramdaman ang pagkirot ng dibdib ko.
Hindi ito maari.
Umupo ako sa tabi ni Dan habang tinititigan siya. May guhit ng dugo sa mukha niya na nakatitiyak akong galing sa ulo niya. Pagtingin ko sa tuhod niya ay wala siyang knee cap. Ito ang dahilan ng panlalambot ng mga kalamnan ko.
Hinawakan ko ang kamay niya habang nakatingin sa mukha niya.
Hindi ako maniniwala sa sinasabi nila. Hindi totoo yun. Hindi ba at kanina lang ay iniwan niya ako sa kwarto para matulog? Panaginip lang ang lahat ng ito. Masamang panaginip. Hindi ito totoo.
Patuloy ang pagtangis ni Mommy Meng at Daddy Ding sa likuran ko.
Napasinghap ako bigla. At dahil duon ay naamoy ko ang napakalakas na amoy ng dugo. Unti unti ay parang may humalukay sa tiyan ko. Lalo ng nanghihina ang mga kalamnan ko. Unti unti ay parang ginigising ako ng buong sistema ko sa katotohanan.
Maya maya pa ay narinig ko na sinabi ng pulis.
“Nandiyan na po ang ambulansyang magdadala sa biktima sa punerarya. Kayo na ho ang mag desisyon kung saan niyo ipapa serbisyo. Kahit saan ho basta may autopsy.”
Hindi parin ako umaalis sa tabi ni Dan. Hawak hawak ko parin ang kamay niya pero dinig na dinig ko lahat ng nag uusap sa paligid ko. Tumingin ako sakanila at nakita ko ang mga mata nilang punong puno ng pagkahabag sa akin.
Maya maya pa ay may humawak sa akin para sabihin na sumama ako sa ambulansya. Wala pa rin akong reaksyon. Nasa state of shock pa rin ako. Wala pang bumabagsak na luha mula sa mga mata ko.
Tinignan kong mabuti si Dan matapos kong tumayo. Napapailing nalang ako at sinasabi sa isip ko na hindi iyun totoo. Hindi yun maari. Hindi ko yun matatanggap.
Nang binuhat na si Dan upang isakay sa ambulansya. Duon na nagsimula ang pagbagsak ng luha ko. Ang dami daming tanong sa isip ko. Paano nangyari yun? Bakit siya na aksidente? Bakit hindi ko namalayan na umalis siya?
Bago ako matulog ay ni check ko ang susi ng motor at sigurado akong nasa tabi lang iyon ng TV. Usapan namin ni Dan na hinding hindi siya aalis ng hindi nagpapa alam sa akin. Kung tulog man ako, kahit ano pang kalagayan ko ay kailangan niyang ipa alam na aalis siya. Bakit hindi siya nagpaalam? Dahil ba alam niyang hindi ko siya papayagan? Madaling araw na kaya malamang sa itinakas nalang niya ang motor.
BINABASA MO ANG
For DEE (based on a true story)
Non-FictionSeven years ago, I wrote a letter for him including the lines of this song that would best describe how I feel for him.. Who knows how long I've loved you You know I love you still Will I wait a lonely lifetime? If you want me to, I will Love you fo...