Kinabukasan, first day of my third year. Nakakatamad kasi wala pa naman nagkklase ng first day eh. Civilian pa nga lang kami at madami pang prof na hindi pumapasok. Hanggang ngayon mahaba padin ang pila sa enrollment. Yung sistema na ata ng school namin ang pinakaluma sa lahat kaya matagal ang proseso. Thanks to Ate and her friends sa admin at hindi ako na hhaggrad sa pag eenroll.hehe
Kinwento ko kina Leng, Kristel at Fervie na nagkabalikan kami kahapon. Masaya ang naging reaksyon ni Leng at Kristel pero si Fervie? Syempre hindi. Maka MJ nga kasi siya diba? Saka “Bes” niya si MJ so ano pang nakakapagtaka dun? Siya ang dahilan bat kami nagkakilala.
Speaking of MJ, hindi ko pa nasasabi sakanya na nagkabalikan kami. Hindi pa siya tapos mag enrol, magbabayad palang siya today. Mamayang gabi ko nalang sasabihin sakanya na nagkabalikan na kami ni Dan.
Sabay kami ni Dan maglunch ngayon. Late lunch na kasi 1PM na. Pero dahil diet ako (kunwari), siya lang ang nag rice. Roastbeef sandwich lang at shake ang kinain ko.
“Baby, magpapalam sana ako sa’yo.”
“Ano yun?”
“Nag-aaya kasi mag inuman mga barkada ko mamaya. Pwede ba?”
“Sino sino kayo? May babae ba?”
“Kaming pito lang. Wala kami kasamang babae. Promise.”
“Ah, sige. Siguraduhin mo lang.”
Pero ang totoo, ayoko. Haha. Naiinis ako, sinabi nga babawi siya saken diba? Kakasimula palang namin, babanatan na naman niya ako ng pakikipagbarkada na yan. Simula ngayon hindi lang ako sakanya walang tiwala. Kundi sa mga kabarkada niya. Lahat sila, mapa schoolmate o mapa taga Bulihan, wala na akong pagkakatiwalaan. PROMISE!
“Thank you, baby ko. Aalis na din kami after natin kumain para hindi gabihin. Ayaw mo nun diba?”
“Ok sige.”
Sus, hindi man lang ako ihatid? Aalis agad? Walangya talaga to. At hindi siya marunong makiramdam. I hate you! At dahil may mga sariling lakad ang mga kabarkada ko, tinext ko si kuya.
To: MJ
“Kuya, saan lakad mo after mo enroll?”
From: MJ
“Wala ate. Bakit?”
To: MJ
“Inom tayo kuya. Treat mo ko? Marami ka naman yatang kick back eh? Hehe”
From: MJ
“Sure ate. Hintayin mo ako. Konti lang pila dito nako sa cashier. Mga 3PM tapos na ako.”
To: MJ
“Sure kuya. Isasama ko si Fervie ha?’
From: MJ
“Sige ate, na miss ko na si bespren eh. Paano, text nalang kita after ko dito.”
“Sino ba yang katext mo?”
Ay, me kasama pala ako? Tss.
“Ah wala, si Fervie. Aalis kami after natin. Gagala lang.”
“Saan kayo pupunta?”
“Hindi ko pa alam eh. Text ko nalang sa’yo mamaya.”
BINABASA MO ANG
For DEE (based on a true story)
Non-fictieSeven years ago, I wrote a letter for him including the lines of this song that would best describe how I feel for him.. Who knows how long I've loved you You know I love you still Will I wait a lonely lifetime? If you want me to, I will Love you fo...