Chapter 18 Ü

374 1 0
                                    

Mas mahirap ang subjects ko ngayong fourth year. Sa majoring ng ECE sabi nila etong year na ‘to ang pinaka nakakatakot eh. Madami na raw kasing bumabagsak sa Princom lalo na pag si Sir Silverio ang prof. Natatakot tuloy ako sakanya, at dahil swerte ako..  siya ang prof ko. Huhu.

Habang naghihintay ako sa next class ko at nakaupo sa my study area sa fourth floor ng Engineering building, may tumawag sakin.

Si kuya.

Nung nakita ko siyang papalapit sa akin, ako na ang lumapit kasi baka may makakita pa sa amin at magsumbong kay Dan. We’ll be so deads!

“Hi Kuya. Kamusta?”

“Okay naman ate.” He said coldly. Meron bang okay na cold? Hmm.. mukhang may hindi magandang nangyari ah.

“What’s with that face, kuya? May problema ba?”

“Ate, hindi na ako mag aaral. Nag stop na ako.”

“WHATTTT???” Bakit kuya? Anong nangyari? Bakit biglaan ka nag stop?”

“Hindi ko naipasa yung Princom2 nung summer ate eh. Madadagdagan na ako ng isang taon. Ayoko na, mag work nalang ako.”

“Pero sayang yun kuya. Mas makakahanap ka ng magandang work kung tatapusin mo yung ECE. Kuya, tapusin mo na sana.. Ano ba kasing nangyari nung summer class?”

“G*ago kasi si Aris eh. Binagsak ako. Meron daw akong kulang sa project eh pinasa ko naman yun. Nagtalo kami at ayun.. namura ko siya.”

“WHATTTT??? Kuya nababaliw ka na ba? Bakit mo minura si Sir Aris?”

“Kahit naman murahin ko siya o hindi, bagsak pa rin ako. Kaya minura ko na saka ako umalis.haha Paano ate, marami pa ako aasikasuhin eh. Mag ingat ka lagi ate ha? Alam mo naman pano ako kontakin.”

“Sige kuya. Ingat ka din lagi.”

Nalungkot naman ako sa nabalitaan ko. Nalulungkot ako para kay Kuya kasi hindi siya makakapagtapos ng pag-aaral. Sayang naman pero siya naman ang nag decide nun at hindi ko narin yun mababago. Well, goodluck nalang sakanya kung ano mang path ang gusto niyang tahakin in the future. Matanda na siya at alam ko, ginawa niya yun kasi ito ang gusto niya at ito ang tingin niyang tama. I guess this would mean also.. a goodbye for kuya. Baka ito narin yung last na magkikita at maguusap kami. Ngayong okay na ang lahat sa amin ni Dan at siya naman ay may pinili ng ibang landas.. kung saan malabo na kami magkita.

Nung hapon na after class, naghihintay sa akin si Dan. Pumunta kami sa Mcdo South para magmerienda. Nataon naman nandito si Crisan na nag ppart time job. May discount daw kami hihi. Salamat naman sakanya! Na miss ko na kasi yung double cheeseburger!

Habang kumakain kami, na bbother ako. Sasabihin ko na ba kay Dan? Hays. Baka naman kasi nagkakamali lang ako eh. Tinititigan ko siya habang kumakain sa tabi ko.

“Bakit mo ako tinititigan ng ganyan huh? Alam ko naman gwapo ako pero pwede bang mamaya mo na ako titigan pagka kain ko?” Sabay ngisi niya.

“Chee! Ewan ko sa’yo! A-ano kasi, meron akong sasabihin sa’yo eh.”

“Ano yun? Na gwapo ako?”

“Kainis ka naman eh! Seryoso nga ako nanloloko ka pa.” Inirapan ko siya.

“Hehe joke lang. Oh ano ba kasi yun?”

“Kasi ano, delayed ako. More than a week na.”

Pagkasabi ko nasamid siya. Shems.mali ata ang timing ko, dapat yata after nalang namin kumain saka ko sinabi. Uminom siya ng softdrinks saka nagsalita.

For DEE (based on a true story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon