Hindi mag aaral si Dan ngayon semester kasi wala siyang ma ccredit na subjects. Nalulungkot ako pero wala naman akong magagawa. If destiny just let us meet earlier, this won't happen. Syempre, I will not tolerate him sa lahat ng mga kalokohan niya.
Pero yung pag stop niya ng isang sem ay may advantage naman at disadvantage.
Disadvantage?
Yun eh nadagdagan na siya ng isang taon sa course niya.
Engineering ang peg ni kuya? 5 years sa Comp Tech? Yan ang napapala ng mga taong tatamad tamad. Tsk!
Advantage?
Meron naman kahit paano. Since 3rd year na ako and I have two more years remaining to finish my course at dahil sa pagka add ni Dan ng 1 year sa Comp Tech – sabay na kami ggraduate.
Dahil nga wala naman siyang gagawin sa buhay niya sa loob ng isang sem, his Dad gave him a punishment.
He needs to work.
At first, ayaw ni Dan pero napapayag din siya. His Dad scared him to not give allowance for the whole sem at syempre ayaw niya nun. Hindi daw pwede yun kasi wala kaming pang date.
Tama naman siya dun!
Nag apply siya at luckily eh natanggap naman siya sa Jollibee Malolos Proper, silang dalawa ni Lion.
One month pa bago sila ma regular, nag ttraining palang sila pero natanggal na siya agad sa trabaho.
THE EF??? May kalokohan na namang ginawa ‘tong asawa ko kaya siya natanggal sigurado ako dun!
“Oh, anong nangyari? Hindi ka pa nga nakakatikim ng sweldo, natanggal ka na agad?”
“Eh kasi, hindi ako trip nung guard eh. Nakita niya ako nagpapahinga ng hindi ko pa break kaya yun. Sinumbong ako sa manager ko.”
“Hindi ako naniniwala. I know you did something else. Nahuli ka ba talagang nagpapahinga during working hours? Or nahuli kang nag yyosi during your shift?”
“WAAAHHHH!! Asawa ko, please. ‘Wag mo akong isusumbong kay Daddy. Patay ako dun talaga!”
“Sabi na eh! Pambihira ka, hindi mo talaga kayang iwasan yang pag yyosi noh? Kahit sa pagkakataong ito lang? Pag iisipan ko kung hindi kita isusumbong.”
Niyugyog niya ako ng walang humpay.
“Hala, please ‘wag mo na ako isumbong. Maawa ka sakin. Sasasapakin ako talaga ni Daddy kapag nalaman niya yun.”
Takot na takot si Dan sa daddy niya. Yun ang totoo. Kasi pag sinabi ng dad niya na sasapakin siya, he mean it. Saka hindi alam ng dad niya na nag yyosi siya. I mean, alam pala pero ang sabi nito ‘wag na ‘wag lang niya mahuhuli dahil mababangasan siya nito.
Deads si Dan sa dad niya pag nalaman na pagyyosi ang totoong dahilan bakit siya natanggal sa work.
“Oo na. Papalampasin ko ‘to. Pero last na’to. Sa susunod na may gawin ka pang kalokohan makakarating na yun sa Daddy mo. Saka Dan Elvin naman, kala ko ba responsable ka na ha? Hindi mo ba naisip na paghahanda lang ‘to para sa future mo..
..para sa future natin. Ang galing mo talaga eh! Hindi mo iniisip yung mga ginagawa mo!”
“Alam ko naman yun asawa ko. ‘Wag ka na magalit sakin. Responsable naman na ako eh. G*go lang talaga yung guard na yun at sinumbong ako. Promise promise. Magpapakabait na ako talaga. Saka hindi mo kailangang mag alala, magiging maganda ang future nating dalawa.”
BINABASA MO ANG
For DEE (based on a true story)
Non-FictionSeven years ago, I wrote a letter for him including the lines of this song that would best describe how I feel for him.. Who knows how long I've loved you You know I love you still Will I wait a lonely lifetime? If you want me to, I will Love you fo...