Nung makalabas ako sa hospital hindi naman ako agad makapunta sa sementeryo dahil mahina pa ako. Mas nanghina ako sa kinwento ni Mommy na iyak daw ng iyak si Dan lalo na nung nalaman niya na lalaki si Heaven – at nagkatotoo nga yung pakiramdam ko na lalaki nga siya. Mas lalo kami nanghinayang na mag asawa kasi pareho naming gusto na lalaki ang maging panganay na anak namin.
Oo, masakit manganak pero mas masakit mawalan ng anak. Mahigit isang linggo ako hindi nakapasok sa school dahil sa nangyari. Maraming nagpaabot ng pakikiramay samin ni Dan – mga kaklase, kaibigan, professors at kamag anak na lubos namin pinagpapasalamat.
Mas nahirapan ako labanan ag lungkot kumpara kay Dan, oh well ganun naman yata talaga dahil iba parin ang ina. Ako ang nagdala sakanya kaya mas dama ko ang pagkawala niya.
Pero si Dan din ang tumulong sa akin sa pagmmove on. Siya na hindi napapagod na patawanin ako. Siya na anjan at hindi ako iniiwan para hindi ako maging malungkot. He’s a person full of hope and positivity. Bukod sa paniniwala ko sa Diyos eh sakanya ako humuhugot ng lakas.
Sabi sa akin ng mommy ko ang swerte ko raw sa asawa ko. Kasi ngayon na kakapanganak ko lang, si Dan ang nag alaga sakin hindi tulad niya na ang lola ko ang nag alaga sakanya. Sobrang hands on ni Dan sakin, sa tuwing maliligo ako aalalayan niya ako hanggang pati pagjebs eh kasa-kasama ko siya kasi alam niya masakit ang tahi ko kaya kailangan niya akong alalayan. Nag normal delivery pa ako nito ha? Paano pa kung CS baka binubuhat pa niya ako. Chos! Kinalimutan na niya ang selan basta maalaagaan lang ako. Sobrang spoiled wife ko na. At sa tuwing naiisip ko na ginawa niya yun lahat para sa akin eh hindi ko maiwasang kiligin ng bongga at magpasalamat sakanya.
Mas napatunayan niya sa akin kung gaano niya ako kamahal ng dumating ang pagsubok na ito samin. Mas lalo tuloy akong na inlove. Whooooo!!!
5 days matapos ko manganak ay naligo na ako. Kinokontra pa ako ng lola ko kasi raw dapat isang linggo mahigit bago maligo. Jusko po. Eh hindi ko na nga ma-take yung amoy ko. Paano pa si Dan na katabi ko sa pagtulog? Baka yun pa ang ipagkahiwalay namin. Chos! Tapos nung naligo naman ako, kung ano anong dahon ang inilaga at isinama ng lola ko sa pampaligo ko. Ba yaaaan! Parang hindi din ako naligo sa amoy tapos kulay pula pa yung tubig. Kadiri! Haha Majojonda talaga jusko dami daming pinapaniwalaan. Hindi nalang ako makakontra at masesermonan lang ako.
Pumasok narin ako agad kahit ayaw pa ng parents ko, naisip ko andami ko na hahabulin sa school. So kailangan ko na pumasok tutal naman ay kaya ko naman na. Naging considerate naman ang mag prof ko sakin kaya binigyan nila ako ng special exams.
Nairaos ko naman ang 4th year so 5th year na ako sa pasukan si Dan naman ay 4th year na. Isang taon nalang at ggraduate narin kami.
Nakilala at nakasundo ko rin ang mga pinsan at kabarkada ni Dan sa Bulihan – ang Tambays. Sila ang kasama ko manood kapag liga ng basketball. Kasali si Dan sa amin sa Dakila at sakanila sa Bulihan. Kailangan walang pahinga, ganyan? Oh well, star player eh. Naalala ko pa na pnprotesta si Dan sa amin kasi hindi daw siya taga duon pero na consider narin naman kasi nga mag asawa na kami. Kaya nga mag asawa eh, iisa na kami ngayon kaya kung saan ako nakatira ay duon narin siya.
Yung team ng street namin na Islander na matagal ng kulelat mula ng hindi na naglalaro sila Daddy ko ay nabuhayan ng dahil kay Dan. Nuon ko lang uli nakita na masigla ang basketball league sa barangay namin. Yung mga ka-team ni Dan ay mga pinsan ko na nauuna pa ang tiyan kaya hindi makatakbo kaya malaking tulong talaga siya sa team. Kapag laban na ng Islander ay napupuno ang court namin. Mga Tito at Tita ko, pinsan at mga pamangkin ay nagsinuod narin. Ka-team din ni Dan si Kuya Jon kaya naman sila Ate Maricris (asawa niya) at pamangkin ko (Tricia) ay nanood rin. Madami akong hakot na cheerers, sa pamangkin ko palang eh parang sasabog na ang court sa hiyawan.
BINABASA MO ANG
For DEE (based on a true story)
NonfiksiSeven years ago, I wrote a letter for him including the lines of this song that would best describe how I feel for him.. Who knows how long I've loved you You know I love you still Will I wait a lonely lifetime? If you want me to, I will Love you fo...